
- Bumalik sa nakaraan ang marami dahil sa isang set ng plato at tasa na ini-upload ng isang page
- Makikita rito na hindi lamang basta simpleng plato at tasa ang magkakaternong ito
- Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng marami ang mga alaalang dala ng old school na set ng pinggan at tasa
Natatandaan mo pa ba ang old shool na set ng mga plato at tasa na madalas ay inilalabas lamang kapag may bisita o espesyal na okasyon? Gumagamit ka ba noon ng mga ito?

Bumalik sa nakaraan ang marami dahil sa isang set ng plato at tasa na ini-upload ng isang page. Makikita rito na hindi lamang basta simpleng plato at tasa ang magkakaternong ito. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng marami ang mga alaalang dala ng old school na set ng pinggan at tasa.
“Masuwerte na kayo noon kung may ganiyan kayong gamit, kasi noong bata kami dati e naranasan namin kumain sa bao ng niyog,” pagbabahagi ng Facebook user na si Jay C Mendiola.
“May ganiyan lola ko noon. Feeling ko, kapag kumakain ako riyan e mayaman ako kasi ‘yong usual na pinggan noon e latang puti lang,” pagbabalik-tanaw ni Mary Louie Rufin Hernandez.
“Noong bata pa ako, kapag bumibisita kami sa tiyahin ko, I’d always pray na sana sa ganitong plato ilagay ang pagkain ko Hahahaha!” kumento ni Aicel Rañosa. “Hindi ko alam kung bakit pero ang saya ko at enjoy na enjoy ako sa drawing.”
“Kapag may okasyon oo pambreakfast wow. Lalo Christmas at New Year noong mga bata pa kami happy kami kasi we are always complete even we have simple life and adorable family,” saad ni Edith Gelbolingo Jacobe.

Ikaw, nakagamit ka na rin ba ng mga plato at tasang ito?