
- Naging bahagi ng bu
hay-estudyante noon ang paggawa ng parol sa tuwing magpapasko - Isa ito sa mga pinakamasayang proyekto para sa marami dahil isinasabit mismo sa paaralan ang kanilang nilikha at hudyat na rin ito ng papalapit nilang Christmas party at Christmas br
eak - Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, bumalik ang marami sa panahon ng paggawa nila ng parol bilang proyekto sa eskwela
Gumawa ka rin ba noon ng parol bilang project mo sa school?

Naging bahagi ng buhay-estudyante ng marami noon ang paggawa ng parol sa tuwing magpapasko. Isa ito sa mga pinakamasayang proyekto para sa marami dahil isinasabit mismo sa paaralan ang kanilang nilikha at hudyat na rin ito ng papalapit nilang Christmas party at Christmas break.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, bumalik ang marami sa panahon ng paggawa nila ng parol bilang isang proyekto sa paaralan.
Saad ng admin ng page, “Isa sa mga naging project natin–pagandahan ng parol. Naaalala niyo pa ba, kadekada?”
“Ang husay ko kaya gumawa ng parol noong elementarya kami. Lalo na sa paglalagay ng buntot.Kay sarap kayang maggugupit!” sabi ng Facebook user na si Cecilia Cuaresma Labrador.
“Paborito kong project ‘yan, ang parol. Nakakagawa ako dati, ng star na mga shells yung cover. Sa tulong ng mother ko ‘tsaka kapatid, namulot kami ng mga shell sa beach,” wika ni Star Merinder.
“Tuwing first week of December, alam na namin ‘yan. Mayroon na naman kami project na mga Christmas lantern or gagawa kami ng star na kawayan din na lalagyan ng mga decoration. Parang gusto kong bumalik sa high school!” sambit naman ni Em-Em Cano Villamor.

Ikaw, naranasan mo rin bang gumawa ng proyektong ito? Ano-ano ang mga hindi mo makalilimutan sa paggawa ng sarili mong parol?