Balik-tanaw: Natatandaan mo pa ba ang ‘kasabwat ng Mik-Mik sa pagpapasamid’?

Images via Mik-Mik commercial and Joemel Val‎ | Facebook
  • Tinangkilik ng mga batang 90s ang gatas na nakalagay sa maliit na milk bottle
  • Nag-e-enjoy na sila sa laman, mayroon pa silang instant na laruan dahil sa animo’y milk bottle na pinaglalagyan nito na sakto raw para sa bahay-bahayan
  • Pinagkakatuwaan din ito ng iba at tinatawag na “kasabwat ng Mik-Mik sa pagpapasamid” dahil parehong sweetened milk powder ang laman ng mga ito

Isa sa mga talagang tinangkilik –at umubos sa baon– ng mga batang 90s ang maliliit na “milk bottles” na mayroong lamang sweetened milk powder.

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s), ini-upload ng isa sa mga miyembro ang litrato ng mga maliliit na “milk bottle” na mayroong lamang sweetened milk powder.

“Sinong nakatikim nito?” tanong ng nag-post na si Joemel Val.

Tuwang-tuwa noon ang mga bata sa mga maliliit na “milk bottle” na ito. Nag-e-enjoy na sila sa laman, mayroon pa silang instant na laruan dahil ang lagayan nito ay sakto raw para sa bahay-bahayan. Bukod pa rito, pinagkakatuwaan din ito ng iba at tinatawag na “kasabwat ng Mik-Mik sa pagpapasamid” dahil parehong sweetened milk powder ang laman ng mga ito.

“Nag-iipon kami noon niyan para sa bahay-bahayan may dede ‘yong baby namin. Kasabwat ni MikMik sa pagpapasamid,” kumento ng Facebook user na si Charmie Pancho.

Tanong naman ni Ivan Mandal,” Mayroon pa bang nabibiling ganiyan? ’07 or ’08 pa ang huli kong kain ng ganiyan tapos sa probinsya pa.”

Image capture from Facebook

Pagbabahagi ng isa sa mga nagkumento, bagama’t hindi na ito ganoon kadalas makita na ipinagbibili sa mga tindahan ay mayroon pa rin naman daw mga nagbebenta nito; hindi nga lamang katulad noong 1990s. Katulad din ito ng Mik-Mik na mabibili pa rin sa ilang tindahan.

“Ako! Mayro’n pa rin niyan sa tindahan hanggang ngayon,” saad ni Ally Tuzon Gerodias.

Ikaw, nahilig ka rin ba sa pagkain at laruan na ito?