
- Mahilig maglagay ng pulbos sa papel ang mga teenager noong 1990s
- Ang ibang gumagawa nito ay nais mabawasan ang laman ng bag, habang mayroon din namang walang sariling lagayan ng pulbos dahil hiningi lamang ito
- Sa post ng Facebook page na Filipino Ako, Filipino Ikaw, Ako ay Lahing Filipino, nagbalik-tanaw ang mga “young once” sa panahong naglalagay pa sila ng pulbos sa papel
Naglalagay ka rin ba ng pulbos sa papel noong teenager ka?

Nakahiligan ng mga teenager, partikular ang high school students, noong 1990s ang pagbabaon ng pulbos na nakalagay sa papel. Para sa iba, sa paraang ito ay gumagaan ang dala nila dahil hindi na kailangan ilagay pa sa bag ang mismong lagayan ng pulbos, at maaari rin silang makapagbaon nito kahit walang dalang bag. Sabi naman ng iba, kaya raw dito nakalagay ang pulbos nila dahil nanghingi lamang sila sa kamag-aral o kaibigan.
Sa post ng Facebook page na Filipino Ako, Filipino Ikaw, Ako ay Lahing Filipino, nagbalik-tanaw ang mga “young once” sa panahong naglalagay pa sila ng pulbos sa papel. Saad ng admin ng page sa ibinahagi nitong larawan mula sa Patama Lines, “Kaway-kaway kung naglalagay ka rin ng pulbos dati sa papel sa eskwela!”
Agad namang tumugon ang social media users na naka-relate daw sa gawaing ito.
“Hahahaha! Gawain ko ‘yan noong ako ay highschool para may baong pulbos sa school,” kumento ni Lucy Tantay.
“Ganiyan kami noong araw, Naglalagay sa papel tapos maglalagay lang niya kapag medyo nagigintab na ang mukha. Solved na kami sa baby powder lang na iyon,” pagbabalik-tanaw ni Rosie Gutierrez.
“Hahaha! Truth, ‘tsaka may hihingi pa. Hahaha!” wika naman ni Jacqueline Dado.

Ikaw, gawain mo rin ba ito noon? Ano-ano ang mga hindi mo malilimutan sa paglalagay ng pulbos sa papel noon?