Balik-tanaw: Larawan ng bagitong Isko Moreno, ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga

  • Isa sa mga pinakamaniningning na bituin ng kanyang panahon ang dating matinee idol na si Isko Moreno, o Francisco Domagoso sa totoong buhay
  • Bagama’t agad ding umalis sa showbiz para maging public servant ay hindi pa rin nakalilimutan ng marami ang mga sandaling ginugol niya sa industriya
  • Sa Facebook page na Alaala ng mga Larawang Kupas, nagbalik-tanaw ang maraming social media users nang may mag-post ng larawan ng Manila mayor

Bago naging ama ng Maynila, naging isa munang bagitong aktor si Manila mayor Isko Moreno.

Image capture from Facebook

Kung babalikan ang panahon niya bilang aktor, hindi maipagkakaila na isa sa mga pinakamaniningning na bituin noon ang dating matinee idol na si Isko Moreno, o Francisco Domagoso sa totoong buhay. Bagama’t agad ding umalis sa showbiz para maging isang public servant ay hindi pa rin nakalilimutan ng marami ang mga sandaling ginugol niya sa industriya.

Sa Facebook page na Alaala ng mga Larawang Kupas, nagbalik-tanaw ang maraming social media users nang may mag-post ng larawan ng Manila mayor noong kabataan niya. Kuha ito mula sa magasin kung saan nai-feature ang alkalde noong nag-aartista pa siya.

“Makapal pa buhok at kilay ni Mayor Isko riyan,” puna ng Facebook user na si Elma Condes.

“Guwapo talaga ni Mayor Isko,” kumento ni April Ageb.

“That’s Entertainment pa siya riyan. Batang 90s din,” pag-aalaala ni Jeff Chua.

Papuri naman ni JuanFlora Baya Fiel, “Now, a respectable mayor!”

Image capture from Facebook

Matatandaang naitampok minsan sa Maalaala Mo Kaya ang kuwento ng buhay ni Moreno. Dito ay napanood ang mga pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lamang siyang tuparin ang pangarap niya na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Kabilang sa mga itinampok sa istorya ang pagsali niya sa That’s Entertainment at kung paano siya nagtiyaga kahit nilalait ng mga kapwa artista; maging kung saan at paano niya hinuhugot ang emosyon bilang aktor.

Source: Facebook, Kicker Daily News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: