
- Binalikan ng maraming social media users ang mga alaalang kakabit ng isa sa mga paboritong pagkain noon ng mga batang 90s, ang puffed rice
- Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., ibinahagi ng isa sa mga admin ang litrato ng matamis na pagkain na ibinebenta noon nang tingi
- Nakalagay sa maliit na pahabang supot, mabibili ito sa halagang piso lamang
Kabilang ang puffed rice sa mga pagkaing naging patok noon sa mga batang 90s.

Nakalagay sa maliit na pahabang supot na katulad ng sa ice candy, mabibili ito nang tingi sa mga tindahan sa halagang piso lamang. Sulit, hindi ba? Mura na, masarap pa. Kaya naman hindi pa rin ito nakalilimutan ng mga batang tumangkilik nito noon.
Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., ibinahagi ng isa sa mga admin ang litrato nito. Ang kanyang tanong, “Bumibili rin po ba kayo nito noon?”
Dito, binalikan ng maraming social media users ang mga alaalang kakabit ng isa sa mga paborito nilang pagkain noon na talaga namang masarap at kayang-kaya nilang bilhin mula sa kanilang baon. Pop rice, ampaw ang karaniwang tawag dito ng mga bata noon.
“Paborito ko ‘to, nakaka-miss! Sarap balik-balikan ang mga panahong nagdaan. Simpleng buhay pero masaya,” saad ng Facebook user na si Candelyn Rita.
“Ampaw sa amin. May bilog at rectangle ang shape. Kasamahan ‘yan ng hopia at chicharon na ibinebenta sa terminal ng bus,” pagbabahagi ni Divina Gracia Arellano.

“Favorite namin ‘yan! Pasalubong ng lola kapag namalengke sa bayan. Pag-uwi ng bukid, agawan sa bayong ng lola ang mga apo,” kuwento naman ni Mackoy Basco Gatmaitan.
“Pasalubong ng tatay ko laging ganiyan ‘pag bumaba siya sa Bayan. Sarap niyaan, matamis at medyo malutong,” sabi ni Marife Solis Ampay.
Ikaw, nahilig ka rin ba sa pagkaing ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!
Source: Facebook