Ayon sa gumawa: Ang tunay na kuwento sa likod ng ‘batang multo’ sa classic TV commercial

  • Muli na namang pinag-usapan ang tungkol sa “batang multo” sa isang classic TV commercial ng gatas
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng administrator na si Luis Reambonanza ang isang video tungkol sa noon pa man ay pinag-uusapan nang palatastas
  • Nagkataong miyembro pala ng grupo ang mismong gumawa nito na si Jun Urbano; sa wakas ay naliwanagan din ang mga tao

Madaling matakot sa mga bagay na hindi natin lubos na nauunawaan, sabi nga.

Image capture from Youtube

Muli na namang pinag-usapan ang tungkol sa “batang multo” sa isang classic TV commercial ng gatas.

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng administrator na si Luis Reambonanza ang isang video tungkol sa noon pa man ay pinag-uusapan nang palatastas. Sa video na ito, ipinakita ang classic commercial at pagkatapos ay ikinuwento kung ano-ano ang mga napansin dito ng tao kaya inisip ng marami na may dala itong misteryo.

“Umiikot ang patalastas sa isang lolo na nagkukuwento ng masaya niyang kabataan sa kanyang apo. Mukha itong isang tipikal na commercial lamang–nang biglang may mapansing kakaiba ang mga manonood,” wika ng tinig na nagsasalaysay. “Pero pansinin mo ang batang babaeng ito na nakatalikod at hindi pinapansin. Walang tumitingin at walang kumakausap sa kanya. Sapagkat maraming nagsasabi na siya ay isang multo.”

“Sinasabi nila na siya dapat ang gaganap na apo ni Lolo ngunit nagkasakit daw ito at yumao. Kaya kung makikita ninyo, tumayo rin ito at sumayaw dahil alam niya na siya ‘yong gaganap na apo,” pagpapatuloy nito. “Pansininin mo sa dulo ng video na wala na siya at dalawa lang talaga ang (baso ng) gatas: sa lolo at sa apo.”

Image capture from Youtube

Napakaraming pang ibang tanong ng mga tao tungkol sa commercial na ito. Bakit daw hindi siya kasama sa huling eksena kung isa rin siya sa mga apo? Bakit daw hindi ito uminom ng gatas kung apo rin ito? Kung hindi talaga siya apo ng lolo, ano ang papel niya sa patalastas na ito? Bakit nakatalikod ito sa kamera at hindi man lang ipinakita ang mukha?

Gayunman, sa wakas nabigyan ng linaw ang matagal nang palaisipan dahil sa ilang kumento. Nagkataong miyembro pala ng grupo ang gumawa nito na si Jun Urbano. Bagama’t naaliw at kinilabutan daw siya sa napanood na video, nilinaw niya na kasama talaga ang bata sa patalastas at hindi lamang ito naisali sa huling eksena kaya nawala sa video.

Image capture from Facebook

Samantala, bagama’t malinaw na ay tiyak na magugustuhan pa rin ng mga mahilig sa ganitong klase ng kuwento ang video na ini-upload ng YouTube user na si Vermille Loves Number 14 dahil sa tono ng pagsasalaysay niya ay naging mas nakakatakot pa ang dati nang nagbibigay ng kilabot na patalastas.


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: