‘Aso’t pusa pero matatag’: Masayang pagsasama ng kanyang ama’t ina, ibinahagi ni Chito Miranda

  • Ibinahagi ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda ang masayang pagsasama ng kanyang mga magulang
  • Sa isang recent post ni Chito sa kanyang social media accounts, ibinahagi niya na bagama’t parang aso at pusa kung minsan ang mga ito ay nananatiling matatag ang pagmamahal nila sa isa’t isa
  • Aniya, minsan ay hindi naman kailangang perperkto ang isang relasyon para magtagumpay ito

Sa ilang dekada ng pagsasama ay matatag pa rin ang pagmamahalan ng ama’t ina ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda. Ano kaya ang sikreto nilang dalawa?

Image via Chito Miranda | Instagram

Sa kanyang social media accounts, ibinahagi ni Chito ang masayang pagsasama ng kanyang mga magulang. Aniya, bagama’t parang aso at pusa kung minsan ang mga ito ay nananatiling matatag ang kanilang pagsasama.

“Kahit para kayong mga aso’t pusa kung minsan, kitang-kita namin na sobrang tatag pa rin ng pagmamahalan ninyo. Grabe pa rin ‘yong concern ninyo for each other, kahit madalas iritang-irita kayo sa isa’t-isa. Alam ninyo kung gaano dapat kakapal ‘yong kumot at kung ilang unan ang kailangan ng isa para makatulog siya nang mahimbing. ‘Di kayo mapakali kung may sakit ang isa,” saad niya sa caption ng larawan ng mga ito.

“Never nawawala ‘yong concern sa isa’t isa, even during the times when you can’t stand each other,” pagpapatuloy ng OPM idol. “You still go walking ‘pag may chance. You still dance with each other during parties, and you secretly check up on each other to make sure the other is safe and comfortable.”

Dahil sa kanila, natutunan ni Chito –na ngayon ay masaya na rin sa buhay-may asawa– na minsan ay hindi naman talaga kailangang perperkto ang isang relasyon.

“You don’t have a perfect relationship…but sometimes, it doesn’t need to be perfect for things to work out,” aniya.

Image capture from Instagram

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: