Pangalawang anak ni Andi Eigenmann na si Lilo, bininyagan na

  • Bininyagan na ang tatlong buwan na anak ni Andi Eigenmann na si Lilo
  • Si Lilo ay anak nila ng kinakasamang si Philmar Alipayo at ngayon ay naninirahan sila sa Siargao
  • Sa kaniyang Instagram ibinahagi ni Andi ang mga larawan ng binyag na isang intimate celebration para lamang sa pamilya

Kilala ang aktres na si Andi Eigenmann sa kaniyang pagbabahagi sa social media account ng mga karanasan sa pagiging ina.

Imahe mula kay Andi Eigenmann via Instagram

Updated ang mga fans ng aktres tungkol sa kaniyang buhay sa Siargao. Mas pinili ng aktres ang simpleng buhay sa probinsya kasama ang kaniyang unang anak na si Ellie at ang partner niya ngayon na si Philmar Alipayo.

Sa kaniyang recent posts at Instagram stories, ibinahagi ng aktres ang mga larawan ng binyag ng kaniyang ikalawang anak na si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o baby Lilo.

Makikita sa mga litrato ang simpleng selebrasyon ng binyag ng kaniyang tatlong buwan na sanggol kasama ang kanilang mga pamilya at kaibigan.

Sa caption ng litratong ibinahagi ni Andi sa kaniyang IG account, pinasalamatan niya ang mga dumalo sa binyag at ang kanilang mga kaibigan sa isla na tinuring na silang pamilya.

Thank you so much to the island maninoys and maninays for being there. Friends who make us feel like family. Our life on the island will not be as amazing without you guys,” ayon sa post ng aktres.

Imahe mula kay Andi Eigenmann via Instagram

Si Baby Lilo ay isinilang noong Hulyo sa pamamagitan ng C-section. Hindi man madali para kay Andi ay nakakuha naman siya ng lakas mula sa kaniyang partner na kilalang surfer sa Siargao, at sa kaniyang anak sa dating boyfriend na si Jake Ejercito na si Ellie.

Makikita sa kaniyang Instagram account ang mga posts ng aktres tungkol sa kaniyang mga karanasan sa pagiging ina at pagpapalaki ng mga anak.

Mahihinuha na masaya ang aktres at ang kaniyang pamilya sa pamumuhay nila sa isla. Unica hija ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose si Andi na unang nakilala sa pagganap sa Agua Bendita.

Imahe mula kay Andi Eigenmann via Instagram

Sources: Instagram, Definitely Filipino, PEP


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: