Anak ng iconic host na si Helen Vela, pinasalamatan ang mga patuloy na nagmamahal sa ina

  • Nagpasalamat ang anak ng iconic host na si Helen Vela sa mga taong patuloy na nagmamahal sa kanyang yumaong ina
  • Sa Facebook group na Alaala ng mga Larawang Kupas, ibinahagi ng anak ni Helen na si Ben Hernandez ang lumang litrato nilang mag-ina
  • Sa caption, ikinuwento niya kung paanong inaalala pa rin ng kanyang fans si Helen

Pinasalamatan ng anak ng iconic host na si Helen Vela ang mga taong patuloy na nagmamahal sa kanyang yumaong ina, kahit pa lampas dalawa’t kalahating dekada na ang lumipas nang mawala ito.

Image via Ben Hernandez | Facebook

Sa Facebook group na Alaala ng mga Larawang Kupas, ibinahagi ng anak ni Helen na si Ben Hernandez ang lumang litrato nilang mag-ina. Sa caption ng larawang ito, ikinuwento niya kung gaano siya natutuwa na hanggang ngayon ay inaalala pa rin si Helen ng mga fan nito.

“This is the only existing studio photo of Mama and I together taken in 1987. Mama would have been 73 this October 31,” pagbabahagi niya. [Ito lang ang kaisa-isang studio photo namin ni Mama nang magkasama, kuha ito noong 1987. Dapat ay 73 anyos na si Mama ngayong October 31.]

“Her loyal fans and followers faithfully visit her grave on Halloween, her birthday, and on Valentine’s Day,” aniya. [Ang mga tagahanga niya ay palagi pa rin bumibisita sa punt0d niya kapag Halloween, kaarawan niya, at kapag Araw ng Mga Puso.]

Bago matapos ang kanyang post, pinasalamatan ni Ben ang mga nagmamahal pa rin sa kanyang ina.

“Sa mga nagmamahal at sumubaybay sa mga likhang obra noon ni Mama, maraming salamat po sa inyong lahat,” wika niya bago bumati ng, “Happy birthday in heaven, Mama. I miss you. I love you.”

Image capture from Facebook

Balik-tanaw. Narito ang isa sa mga episode ng Lovingly Yours Helen na mayroong kopya sa YouTube:

Sources: Facebook, IMDb, Wikipedia, YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: