Alex Gonzaga, gustong i-raid ang closet ni Jinkee Pacquiao

Imahe mula kay Alex Gonzaga at Jinkee Pacquiao via Instagram
  • Mayroong pakiusap si Alex Gonzaga  kay Jinkee Pacquiao ngunit hindi pa umano ito sumasagot
  • Nais umanong pasukin ni Alex ang closet ni Jinkee na kilalang mayroong malalaking koleksyon ng mga mamahaling gamit tulad ng bag at sapatos
  • Ayon kay Alex, fan umano siya ni Jinkee kaya nais niyang itampok ito sa kaniyang vlog
Imahe kuha mula sa video ni Alex Gonzaga via Instagram

Hindi na nga matatawaran ang pag-usbong ng vlogging dito sa Pilipinas. Maraming mga Pinoy at celebrities ang mayroon nang mga YouTube channels para dito i-upload ang kanilang vlogs.

Dumarami ang views ng isang vlog kapag ang content provider nito ay maraming subscribers. Ang ilan sa mga pinakakilalang vloggers dito sa Pinas ay sina Jamill, Lloyd Cadena, Alex Gonzaga, Ranz Kyle, at Niana Guerrero.

Ang mga ito ay mayroon nang milyong subscribers dahil na rin sa viral videos nila. Bukod pa roon, magaganda rin at nakakatuwa ang content na kanilang itinatampok kaya naman maraming subscribers ang nakatutok.

Imahe kuha mula sa video ni Alex Gonzaga via Instagram

Isa na marahil ang aktres na si Alex Gonzaga sa most viewed sa YouTube ngayon. Ang ibang video ng aktres sa kaniyang channel ay umaabot na ng million views wala pang 24 oras matapos itong i-upload.

Bukod sa mga nakatutuwang content ng kaniyang vlog, patok din sa mga viewers ang pakikipag-collaborate ni Alex sa ibang vloggers o celebrities.

Sa katunayan, halos lahat ng kaniyang bag at house raid videos ng mga celebrities ay mayroong milyong views. At kahit na dalawang taon pa lang simula noong inumpisahan niyang mag-vlog, mayroon nang mahigit 4 million subscribers ang aktres.

At kamakailan, humingi ng pakiusap si Alex kay Jinkee Pacquiao na ito naman ang kaniyang maitampok sa kaniyang vlog.

Imahe mula kay Jinkee Pacquiao via Instagram

Nais umanong itampok ni Alex ang asawa ng Pambansang Kamao para sa isang closet raid. Ngunit hindi pa raw ito sumasagot sa hinihingi niyang pabor. “Gusto ko siyang i-closet raid talaga, pero waiting pa rin ako,” ani Alex sa isang product launch interview.

Kilala si Jinkee na mayroong malaking koleksyon ng mga “branded” o mamahaling gamit tulad ng bag at sapatos. At pahayag din ni Alex na siya ay fan ni Jinkee kaya nais niya umanong itampok ito.

Ani ng aktres, nais niyang maitampok ang mga personalidad na madalang lamang makita ng tao. “Mas gusto ko pong maka-collab ‘yung mga taong hindi natin nakikita palagi, ‘yung hindi natin nakikita ‘yung behind the camera… Even me, I’m interested to see, hindi lang dahil fan ako.”

Marami namang netizens ang nakaabang sa collaboration na ito nina Alex at Jinkee na ang anak na si Princess ay nag-umpisa na ring mag-vlog. magpapaunlak kaya siya?