90s memory: Ang nakagawiang pagbili ng cotton candy pagkatapos ng klase

  • Paboritong gawin ng mga bata kapag uwian noon ang pagbili ng cotton candy
  • Sa post ng page Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng Facebook users ang mga panahong isa sa mga inaabangan nila sa uwian ay ang pagkain ng cotton candy
  • Bukod sa masarap, kinaaaliwan daw nila noon ang hitsura ng cotton candy habang iniikot ang stick na pinaglalagyan nito

Isa sa mga kumukumpleto noon sa araw ng mga estudyante ay ang cotton candy na itinitinda sa labas ng paaralan.

Image capture from Facebook

Sa post ng Facebook page Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng social media users ang mga panahong isa sa mga inaabangan nila sa uwian ay ang pagbili ng cotton candy. Bukod sa masarap kasi, kinaaaliwan din daw nila noon ang hitsura ng cotton candy habang iniikot ang stick na pinagkakapitan nito. Dito pa lamang daw ay napapasaya na sila ng popular na pagkaing ito.

“Pagpitik pa lang ng stick ay takam na takam ka na,” kuwento ng Facebook user na si Samson Juban.

“Ang sarap niyan! Nakatingin talaga ako sa ginagawa ng nagtitinda niyan habang bumibili. Nakatutuwang pagmasdan habang iniikot sa stick,” pagbabahagi ni Zhang Ramirez.

Ang iba naman, hindi sa labas ng eskwelahan inaabangan ang cotton candy vendor; maaaring sa mga pistahan o sa labas mismo ng kanilang tahanan dahil marami talagang naglalako nito noong araw.

Pagbabalik-tanaw ng isa sa kanila na si Divina Gracia Arellano, “Favorite ko ang pink na color ng cotton candy. Tuwing fiesta, nakahilera ang rolling cotton candy store at mga balloon sa harap ng simbahan. Love namin noon na bumili dahil bata pa kami.”

Image via Batang Pinoy – Ngayon at Noon. | Facebook

Nahilig ka rin ba sa pagbili ng cotton candy sa labas ng paaralan noong araw? Ano-ano ang naaalala mo sa panahon ng cotton candy? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: