
- Bukod sa mababango, may isa pang dahilan kung bakit talagang nawili noon ang mga batang 90s sa paglalaro ng mga aroma beads na kung tawagin ay “kisses
- “Naniniwala ang mga bata noon na nangan
ganak at dumarami ang mga ito - Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon, binalikan ng mga batang 90s ang mga alaalang kakabit ng pag-aalaga nila ng kisses
Natatandaan mo pa ba ang maliliit na beads na kung tawagin ay kisses?

Bukod sa mababango, may isa pang dahilan kung bakit talagang nawili noon ang mga batang 90s sa paglalaro ng mga aroma beads na kung tawagin ay “kisses”; ang paniniwala na sa tamang pag-aalaga ay nanganganak at dumarami ang mga ito. Kaya naman ang dapat sana ay pabango sa wallet, sa bag, at iba pa ay biglang naging laruan dati sa mga batang 90s.
Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng mga social media users ang mga alaalang kakabit ng pag-aalaga nila ng kisses; noong mga panahong ibinabalot ang mga ito sa bulak na may baby powder at alcohol, at pagkatapos ay ilalagay sa espesyal na sisidlan habang umaasa na “manganganak” ito at dadami.
“Kisses tawag namin diyan. Mabango ‘yan. Nilalagay sa posporo na may bulak kasi nanganganak daw, e. Hindi naman,” kumento ng Facebook user na si Macoy Securata Belen.
“‘Pag bumibili ako, talagang napapa-smile ako kasi sobrang cute nila. Sabi nila, alagaan ko raw at manganganak daw. Dinidiligan ko ng alcohol habang nakalagay sa bulak,” ani Riza Rodriguez Cacho.

Pagbabahagi naman ng inang si Aki Beñegas Shirotori, “‘Yong anak ko iniiyakan pa ‘pag tinitingnan sa umaga at ‘di pa nanganganak. Baka kulang daw sa init at bulak.”
Ikaw, nag-alaga ka rin ba ng kisses? Naniwala at umasa ka rin ba na nanganganak ang mga ito?