Watercolor paintings na naglalarawan ng traffic sa Manila, kinamanghaan ng mga netizens

  • Ipininta ng isang artist ang trapiko na nararanasan sa Metro Manila gamit ang watercolor
  • Ang mga likha ng nasabing artist ay in-upload sa Facebook at tinawag na “Trapik Serye in Watercolour”
  • Maraming netizens ang namangha sa galing ng pagkakagawa ng mga ito

Hindi maikakaila na ang usaping trapiko sa panahon ngayon ang isa sa mga pinakamainit na topic dito sa ating bansa.

Imahe mula sa Facebook account ni Erwin Mallari

At kung dati ay sitwasyon lamang sa loob ng Metro Manila ang natatalakay, sa ngayon ay pati na rin sa labas ng Kamaynilaan ay nararanasan din ito kagaya na lamang ng sitwasyon sa SLEX at sa Cebu.

Subalit pansamantalang naiba ang pagtingin ng mga netizens sa matinding traffic na ating kinakaharap dahil sa mga trending na larawang in-upload ng isang local artist na si Erwin Mallari sa Facebook.

Ang mga larawang ito ay mga likhang sining ni Erwin gamit ang watercolor at ipinapakita nito ang traffic sa Metro Manila.

Ayon sa kanyang post ay sinimulan niyang ipinta ito noong 2011.

Imahe mula sa Facebook account ni Erwin Mallari

“Sinimulan ko ang series na ito 2011 pa nung ako’y nagoopisina pa. Malabon to Ortigas na byahe sobrang nakakapagod pero wala ka namang magagawa ika nga nila, “if you can’t beat them, join them.”

Bukod sa napapanahong paksa ng mga creations na ito ay talaga namang kamangha-mangha ang pagkakagawa sa mga ito na animo’y parang totoong kuha gamit ang high definition camera. Kaya naman hindi nakapagtataka kung bakit maraming netizens ang namangha at nag-share ng kani-kanilang saloobin sa artwork na ito.

Sino ba naman ang hindi mapapabilib sa talentong ganito?

Imahe mula sa Facebook account ni Erwin Mallari

“Aakalain mong totoong kuha na nilagyan lang ng filter”

“Salamat Erwin for sharing this. Using one of your artwork as my cover photo. Hope you don’y mind.”

“Saludo ako sa artist na ito. Master watercolorist talaga.”

“Astig ng artwork. Artwork ah, hindi ang traffic.”

Sources: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: