[Video] Marriage proposal sa Jollibee, kinakiligan sa social media

  • Isang lalake sa Batangas ang nag-propose sa kanyang kasintahan sa Jollibee
  • Kakutsaba nito ang mga staff ng nasabing fast food chain
  • Masayang nag-yes ang kanyang girlfriend kasabay ng masigabong palakpakan ng mga tao sa paligid

Bida ang saya, bida ang love!

Imahe mula sa Instagram account ni Jollibee

Ang Jollibee ang isa sa mga fast food chain restaurants sa bansa na madalas dausan ng mga kids’ birthday parties at iba pang selebrasyon o pagpupulong.

Kung tutuusin nga ay hindi na lamang mga bata sa ngayon ang nagdiriwang ng kanilang birthday sa mga fastfood chains kundi pati na rin mga matatanda.

Kaugnay dito isang video na nakapost sa Facebook ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens; isang eksena sa Jollibee kung saan isang lalake sa Batangas na nagngangalang Jayson Ablitas ang nag-propose sa kanyang kasintahan.

Ang simpleng order na pagkain ay naging extra special nang makita ng girlfriend ni Jayson ang laman nito na engagement ring.

Imahe mula sa video sa Facebook | Chryzelle Amada

Makikita sa video ang pakikipagtulungan ng mga crew ng Branch Rosario, Batangas kay Jayson upang maisakatuparan ang surprise na marriage proposal.

Ang video na ito ay in-upload ng Shift Manager na si Chryzelle Amada at nagtamo na ng halos 936K views. Kasunod nito ay ang masigabong palakpakan ng mga taong kasalukuyang nasa loob ng fastfood chain nang mag-yes ang future bride.

Imahe mula sa video sa Facebook | Chryzelle Amada

Inulan ng positibo at congratulatory messages ang nasabing post mula sa kanilang mga kakilala at ibang netizens na kinilig sa bumibidang proposal sa kainan na mahal ng mga Pinoy.

“Nakakakiliiiig! Sana lumabas si Jollibee.”

“Nakakaiyak naman. Witness ako kung paano kayo nag-umpisa… masaya ako para sa inyo!

Imahe mula sa Facebook account ni Jayson Gonzalo Ablitas

Sources: Facebook Facebook Instagram


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: