[Video] Isang bayan sa Davao Del Sur nakaranas ng pag-ulan ng yelo

  • Umulan ng mga butil ng yelo sa Barangay Barayong Magsaysay, Davao del Sur
  • Nakuhaan ng video ang bihirang kaganapang ito ng isang residente noong Sabado ng hapon
  • Ito ay tinatawag na hailstone

Ang Pilipinas ay isa sa mga itinuturing na tropical country sa buong mundo. Ibig sabihin ay matatagpuan ang ating bansa malapit sa ekwador.

Imahe mula sa IEEFA

Karaniwan sa mga tropical countries ay mayroong dalawang uri ng klima: tagtuyot at tag-ulan. Taliwas ang Pilipinas sa ibang mga bansa na mayroong apat na panahon, kasama na ang pag-ulan ng nyebe o yaong tinatawag na ‘snow.’

Kaya naman ikinagugulat dito sa ating bansa kapag tayo ay nakararanas ng ibang klase ng panahon maliban sa tag-init at tag-ulan. Isa na rito ang tinatawag na hailstone.

Hindi na ito bago sa ating mga Pinoy. Marami nang napabalita na ganitong pangyayari sa mga nagdaang taon. Ngunit dahil bibihira lamang maganap, madalas na nagugulat pa rin o nag-aalala ang mga nakakasaksi o kaya’y nakararanas, lalo na’t maraming pagbabagong hatid ang tinatawag ngayon ‘climate changes’ sa buong mundo.

Nito lamang Sabado ng hapon, Oktubre 26, ay naranasan ng mga residente ng Barangay Barayong Magsaysay, Davao del Sur ang pag-ulan ng yelo.

Imahe mula sa Facebook video | ABS-CBN News

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, isang residente na nagngangalang Harvey Flores ang nagliligpit ng tent sa labas ng kanilang bahay nang biglang mapansin nito na masakit ang pagpatak ng ulan.

Kalaunan ay saka niya napansin na butil na pala ng yelo ang bumabagsak at hindi ang karaniwang tubig-ulan. Dagdag pa nito sa panayam na medyo may katagalan ang nangyaring hailstone sa kanilang barangay.

Paliwanag ng PAGASA, karaniwan umano itong nangyayari kapag mataas ang temperatura na nagiging sanhi ng pagtaas ng water vapor. At kapag lumagpas na sa freezing level ay dito na nagfri-freeze ang water vapor at nagiging yelo.

Ang hailstone ay naranasan na rin noon sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas gaya ng Metro Manila, Bulacan at Benguet.

Imahe mula sa Facebook video | ABS-CBN News

 

Sources: ABS-CBN PAGASA  Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: