
- Trending sa social media ang ginawang pagre-recycle ng Muntinlupa Science High School sa mga plastic bottles
- Ginamit nila ito bilang ecobricks para sa vegetable garden
- Marami ang namangha sa ginawang ito ng paaralan
Isa sa mga pinakamasayang gawain sa eskwelahan ay ang iba’t-ibang mga aktibidades na kung saan ay mayroong impact hindi lamang sa ating academics kundi maging sa ating komunidad.

Kung kaya naman hindi mawawala ang mga programa at mga proyekto na naglalayong makatulong sa ating kapaligiran at lokal na komunidad. Dahil dito maraming eskwelahan sa ating bansa ang nakikilala sa kanilang mga ipinamamalas na kamangha-manghang proyekto.
At isa na nga rito ay ang Muntinlupa Science High School na pumukaw sa atensyon ng social media users.
Sa Facebook post na kanilang inilathala ay makikita ang nakabibilib na proyekto na kanilang isinakatuparan sa pangunguna ng mga estudyante at kanilang mga magulang.

Gamit ang mga plastic bottles na may laman ding mga piraso ng plastic waste sa loob ay gumawa sila ng tinatawag na ecobricks upang makabuo ng vegetable bed.
Ito ay tinawag nilang “Veggie Eco Garden” na bahagi ng kanilang asignaturang Technology and Livelihood Education (TLE) at para suportahan din ang Solid Waste Management program.
Maraming netizens ang natuwa at namangha sa post na ito na umabot na ng 1k shares, 665 reactions, at 100 comments. Marami rin ang nagpahayag ng kagustuhan na makapagbigay ng mga ecobricks; isang patunay na mayroon ding patuloy na nagtatabi ng kanilang mga plastic na basura bilang pakikiisa sa pangangalaga sa kapaligiran.

“Wow wonderful creation!”
“Sana pwede kami magdala sa inyo ng ganito kung kelangan niyo pa po. Yung bote na may lamang mga plastics.”
“Pwede po ba mag donate meron po kasi akong mga ecobricks?”