Usapang Pagkain: Ube-Cheese Pandesal dinarayo sa Silang, Cavite

  • Patok ngayon ang isang bakeshop sa Silang, Cavite dahil sa kanilang famous ube cheese pandesal
  • Ito ay mabibili sa halagang P170 hanggang P340
  • Bukod sa walk-ins at local deliveries ay nakatatanggap din sila ng mga orders mula sa ibang bansa

Basta Pinoy, iba ang pagiging malikhain lalo na sa usaping pagkain.

Ito ay napatunayan ng trending ngayon sa social media na kakaibang flavor ng pandesal.

Imahe mula sa Facebook Page ng Kimmy Bakes Bakeshop

Ang ube cheese pandesal na ito o ube cheesedesal kung tawagin ng ilan ay mabibili sa Kimmy Bakes Bakeshop na matatagpuan sa Silang, Cavite.

Dahil ang pandesal ay isa sa mga all-time favorite nating mga Pinoy at bahagi na ng ating pamumuhay, hindi nakapagtataka na hinila ang ating atensyon ng nag-viral na special pandesal.

Bukod sa katakam-takam na itsura nito ay mababasa rin sa mga komento sa Facebook post ng nasabing bakeshop na talagang ito ay masarap at nirerekomenda ng mga nakabili na.

Ayon sa video ng GMA News ay nagsimula lamang ang Kimmy Bakes Bakeshop na magbenta nito sa nakalipas na dalawang buwan subalit sila ay nakagawa na ng mahigit 5,000 piraso nito.

Imahe mula sa Facebook Page ng Kimmy Bakes Bakeshop

Ang pandesal na ito ay mabibili per balot na may lamang 15 pieces sa halagang P170.

Ang bakeshop na ito ay hindi lamang nagtitinda sa mga walk-ins kundi tumatanggap din sila ng mga orders mula sa mga malalayong lugar; maging sa Singapore.

Maraming netizens ang nagpahayag ng interes upang makabili nito at kung puwede ring maging reseller.

Imahe mula sa Facebook Page ng Kimmy Bakes Bakeshop

“Aba! Ipatayo na yang LRT to Silang Cavite nang madali makabili nito! Kawawa naman kaming taga Marikina!”

“Coleeeeng uwi ka ganito pag pumunta ka ulit ng Cavite.”

“Hi, pwede po ba pa franchise nito nang makarating man lang ng Bulacan. PM me please. Thanks.”

Sources: Facebook GMA News PhilStar


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: