Unang litrato ng magkasintahang Carlo Aquino at Trina Candaza, inulan ng reaksyon

  • Sa unang pagkakataon, nagbahagi ng litrato ang model na si Trina Candaza kasama ang kaniyang nobyong si Carlo Aquino
  • Nito lamang ay inamin ni Carlo ang relasyon niya kay Trina na diumano’y siyang naging dahilan kaya niya nasaktan si Angelica Panganiban
  • Iba’t ibang reaksyon naman ang nagmula sa mga netizens sa litratong  ito nila Carlo at Trina
Imahe mula Instagram

Ipinalabas na sa mga sinehan ang pelikulang “Isa Pa With Feelings“; ang unang tambalan ng Kapuso actress na si Maine Mendoza at Kapamilya actor na si Carlo Aquino.

Naging usap-usapan naman si Carlo habang pino-promote ang pelikula dahil sa isyu sa pagitan nila ng dating nobya at on-screen partner na si Angelica Panganiban.

Kamakailan ay inamin ni Carlo sa programang Tonight With Boy Abunda na “napaasa” niya si Angelica, at dahil dito ay nasaktan ang dalaga at lumayo ang loob sa kaniya.

Ang dahilan ng paglayo ng loob ni Angelica kay Carlo? Ang sinasabing “rumored girlfriend” ng aktor, ang model na si Trina Candaza.

Imahe mula Instagram

Ngunit sa programa ay opisyal nang ipinahayag ni Carlo na siya at si Trina ay magkasintahan na. At kinumpirma nga rin ng aktor na ito ang naging dahilan kaya nasaktan si Angelica.

Kasunod naman ng pag-amin ng aktor ay ang pag-post ni Trina ng litrato nilang dalawa na magkasama at “sweet” sa kaniyang Instagram account.

Noong Setyembre sa selebrasyon ng kaniyang 34th birthday unang nag-post si Carlo ng litrato nila ni Trina na may caption na “thank you sa gift,” ngunit sa panahong iyon ay hindi pa kumpirmado ang kanilang relasyon.

Sa litratong ibinahagi ni Trina ay halo-halong reaksyon ang nagmula sa mga netizens. Ang iba ay masaya naman para sa kanila ni Carlo.

Imahe mula Instagram

My favorite couple! Team trina!

FINALLY! You deserve it Love!

Karamihan ay masaya naman para sa dalawa at hindi na lumingon pa sa ibang isyu. Ngunit hindi yata maiiwasan talaga na mayroong hindi natutuwa at apektado pa rin sa naging isyu sa aktor:

Inagaw mo lang naman yan.

“Cargel left the group.

Hindi magiging happy ang isang relationship pag may nasaktang tao.

Ikaw, ano sa tingin mo? Magtatagal ba ang dalawa at mauuwi na sa simbahan o may pag-asa pang magbalik muli ang Cargel (Carlo-Angelica)?

Sources: Instagram, PEP, ABS-CBN News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: