‘They lost everything’: Korina, nagdiwang ng kaarawam kasama ang mga kababaihan ng Marawi

  • Nagdiwang ng kaarawan ang broadcast journalist na si Korina Sanchez sa Marawi
  • Aniya, ang kanyang birthday charity ay para sa mga kababaihan ng Marawi
  • Ani Sanchez, dalawang taon na simula noong mangyari ang Marawi siege pero hanggang ngayon ay nakatira pa rin sila sa evacuation area

Nagkaroon ng special birthday celebration ang broadcast journalist na si Korina Sanchez kasama ang mga kababaihan ng Marawi.

Image capture from Instagram | Korina Sanchez

Sa Instagram, ibinahagi niya na ang mga kababaihan sa nasabing lugar ang napili niya para sa kanyang birthday charity dahil sa kahanga-hangang katatagan ng mga ito sa kabila ng lahat ng hirap na pinagdaanan nila matapos maganap ang Marawi siege.

“My chosen birthday charity is for the women of Marawi. They lost everything. Hanggang ngayon, after two years, nakatira pa rin sila sa evacuation area,” saad ni Sanchez sa caption ng video na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account. “Pilit pa rin silang bumabangon para mga pamilya nila.”

Hinikayat din ng television personality ang kanyang mga followers na magpaabot ng tulong sa kanila.

“Tulungan natin sila. For more information, you can visit: sparkphilippines.org/imwomen. For donations, you can donate through: https://gavagives.tech/campaign/im-women or contact SPARK through [email protected],” saad niya.

Image capture from Instagram | Korina Sanchez

Noong Oktubre 5 ay nagdiwang ng kanyang ika-54 na kaarawan si Sanchez. Sa video na ibinahagi niya noong Oktubre 6, makikita na masayang kinakantahan si Korina ng mga kababaihan ng Marawi.

Sabi niya sa mga ito bago hinipan ang kandila ng kanyang birthday cake, hangad daw niya na maging milyonaryo lahat ng naroon. Masayang-masaya naman at nagpalakpakan pa ang mga nanororoon. Labis na kasiyahan na ang sila ay makasama sa pagdiriwang ng popular na host ng kilalang show na Rated K.

I-click ang imahe para mapanood ang video.

Source: Instagram, Push


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: