Tanda mo pa ba? Eva Vivar, ang popular 70s singer na inihahalintulad sa Birhen

  • Isa si Eva Vivar sa mga pinakasikat na mang-aawit noong dekada ’70
  • Bukod sa magandang boses, kilala rin siya sa kanyang angking kagandahan
  • Madalas ihalintulad sa Birheng Maria si Eva dahil sa maamo niyang mukha

Natatandaan mo pa ba ang maganda at sikat na mang-aawit noong dekada ’70 na madalas ihalintulad sa Birheng Maria? Hindi nakagugulat kung paano naging bantog noon si Eva Vivar; maganda na ang tinig, likas pa ang taglay na kagandahang pisikal.

Image via Eva Vivar | YouTube

Apat na taon pa lamang si Eva noong nagsimula siyang kumanta. Noong siya ay nasa third year high school na, nadiskubre siya ng Reyna ng Balagtasan na si Ofelia Angeles na nagtatrabaho noon sa unibersidad na pinapasukan niya.

Sa simula ay bahagi lamang siya ng mga show sa Bulacan at kumakanta lamang ng mga cover ng awitin ni Eddie Peregrina, ngunit sa kalaunan ay pinayuhan siyang maging propesyonal na mang-aawit na.

Nagsimula na ngang mapanood si Eva Vivar sa mga programa sa telebisyon at narinig na rin sa himpapawid ang kanyang malamyos na tinig.

Ang mga ka-batch ni Eva sa itinuturing na golden age ng local recording ay sina Rhodora Silva, Perla Adea, Amalia Braza at ang tinatwag na Apat Na Sikat (Lala Aunor, Dondon Nakar, Winnie Santos at Arnold Gamboa).

Image via Eva Vivar | YouTube

Kabilang sa mga awitin niya ay “Yellow Bird”, “Let Me Call You Sweetheart”, “I Understand”, “Let Me Be the One”, ” F0rbidden Games ” (Theme from 1952 French film “Jeux Interdits”), “A Girl’s Prayer”, “Speak Softly Love”, and “I Left You”; na recordered at distributed ng Alpha Records.

Samantala, narito ang isang album ni Eva na ibinahagi ng Alpha Records sa YouTube account nito:

Kamakailan ay naging panauhin si Eva sa ABS-CBN show na Kadenang Ginto. Nanawagan siya sa pamamagitan ng video na ibinahagi sa channel niya:

Source: Facebook, Pinoy Grooves, PhilStar,  YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!