Tabi riyan, ‘manok na pula’! Netizens, namangha sa ‘Goth Chicken’ na itim ang buong katawan

  • Namangha ang netizens sa “Goth Chicken”, isang klase ng manok na itim ang buong katawan
  • Ito ay sa gitna ng kasikatan ng parody song ng “Just Another Woman In Love” na “Manok na Pula”
  • Maging buto at lamang-loob ng Ayam Cemani “goth chicken” ay kulay itim

Sa gitna ng pagiging popular ng parody song na Manok Na Pula, bigla namang agaw-eksena sa netizens ang mga litrato ng isang klase ng manok na tinaguriang “Goth Chicken” dahil sa pagiging kulay itim nito.

Image capture from YouTube | Great Big Story

Ayam Cemani ang tawag sa manok na ito na hindi lamang kulay itim ang buong katawan, kundi itim din maging ang pus0, buto, at lamang-loob ng Indonesian chicken breed na ito.

Iba’t iba ang reaksyon ng netizens sa Ayam Cemani. Marami ang namangha at nagandahan. Mayroon nagsabing ito na yata ang tatalo sa manok na pula. Habang ang ilan ay nagduda, “Totoo ba talaga?”

Ngunit totoong-totoo ang breed na ito. Ayon sa Greenfire Farms at Smithsonian.com, isa ang breed na ito sa mga pinakakakaibang uri ng manok sa buong mundo. Sa katunayan, dahil sa naiibang ganda nito ay madalas itong tawaging “Lamborghini of Poultry” at “World’s Most Bewitching Chicken”.

At dahil madali nitong nakukuha ang atensyon ng sinumang makakakita, naipagbibili raw ang isang manok sa halagang $700 hanggang $1,400. Kuwento ng isang nag-aalaga ng mga Ayam Cemani, sa paglipas ng panahon ay naging mas mataas na ang demand sa mga manok na ito dahil pinaniniwalaang nagdadala ito ng suwerte at prosperidad.

Image capture from Twitter

Ikaw, itataya mo ba ang ilang daang dolyar para mabili ang “suwerte” na ito?

Kamakailan ay naging popular ang parody ng “Just Another Woman In Love” na “Manok na Pula”:

Hindi pa man natatapos ang pagiging patok nito, may manok na naman na pinagkaguluhan online. Kilalanin pa ang tinaguriang “Goth Chicken” sa pamamagitan ng video na ito:

Souces: Twitter, Greenfire Farms, Smithsonian.com, YouTube, YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: