“Scamenteryo” itinayo sa Davao, alaala ng mga residenteng naloko ng investment schemes

  • Matatagpuan ang patok na “scamenteryo” sa isang barangay sa Davao City
  • Dito makikitang nakahimlay ang mga manlolokong investment companies pati na mga tsismosa, pakialamera at iba pa
  • Ito ay itinayo ng ilang mga residenteng nabiktima ng mga sangkot na kompanya

Ang nalalapit na selebrasyon ng Undas ngayong taon ay lubos nang nararamdaman dito sa Pilipinas.

Imahe mula sa YouTube video | ABS-CBN News

Bukod sa kaliwa’t kanang balita tungkol sa kalagayan ng mga sementeryo sa bansa na may maraming bilang ng bumibisita taun-taon, pati na lagay ng mga bus terminals at trapiko sa kalsada, maging ang balita sa presyo ng kandila at bulaklak, ay nariyan din ang mga Trick or Treat celebrations sa mga opisina, at Halloween parties na pinupuntahan ng mga kabataan at ng mga hindi na gaanong kabataan.

Samu’t-sari ring costumes ang ating natutunghayan at nakikita sa social media. Idagdag pa na hindi lang mga nakasanayang nakakatakot ang nagte-trending kundi kapansin-pansin din ang mga makabagong konsepto ng costumes gaya ng batang diumano ay bill ng kuryente.

Samantala, ibang klaseng pagsalubong sa Undas ang ipinakita ng ilang residente sa Barangay Communal, Buhangin District, Davao City.

Makikita sa isang bakanteng lote ang tila isang sementeryo ngunit imbes na mga sumakabilang-buhay na mga tao, ang mga nakahimlay ay pangalan ng mga kilalang investment companies na napag-alamang nanloloko at nakabiktima ng mga residente sa Davao.

Imahe mula sa Facebook | Cirej Pontejo

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, ang libingan na ito ay dinisenyo ng ilang mga residente na nagtatrabaho sa isang furniture shop at tinawag na “scamenteryo”. Ito ay may halos 30 ataul na gawa sa kahoy at mga styrofoams. Sa mga lapida ay nakasulat ang mga pangalan ng mga kompanyang Rigen, Ever Arm, Titan, Juggle, Dream Zion at Alamco.

Bukod dito ay mayroon ding lugar na kung saan ibinaon ang mga tsismosa, pakialamera at inggitera.

Itinuturing ngayon ang scamenteryo na atraksyon sa Davao dahil maraming mga napapadaan ang napupukaw ang atensyon, at tumitigil upang mag-selfie muna.

Imahe mula sa Facebook | ABS-CBN News

Marami ring netizens ang nagpahayag ng pagkatuwa at pagkaaliw sa itinayong scamenteryo ng mga taga-Davao. Ang iba ay nagmungkahi pa ng mga maaaring isali rin na ibaon sa lupa.

“Isama niyo na rin mga fixer ng TIN ID, NBI, LTO, at iba pa”

“Ilibing mo na rin diyan yung mga hindi nagbabayad ng utang!”

“Sana pati na yung mga tropa mong panay “on the way” at “wanbats lang” isasama na dyan”

Sources: Facebook Facebook ABS CBN Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: