Sa hirap at ginhawa: Matandang babae, kasama ang mga aso sa araw-araw na pagtatrabaho

  • Araw-araw kasama sa paghahanapbuhay ng isang matandang babae ang kanyang mga alagang aso
  • Sa kabila ng kanyang edad, tuloy pa rin sa pagtutulak ng sidecar na puno ng mga karton ang masipag na si Marina Galiya
  • Likas na malapit daw ito sa mga hay0p, hindi lamang sa mga aso

Sa araw-araw na pagtutulak ng kanyang sidecar na puno ng karton, kasama palagi ni Marina Galiya ang kanyang mga mahal na alaga; mga aso na palagi siyang sinasamahan sa nakakapag0d na paglalakad.

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, ibinahagi ng miyembrong si Joyce Garban‎ ang litrato ni Nanay Marina habang nagtutulak ng sidecar na naglalaman ng sako-sakong karton, papel, at iba pa. Mapapansin kaagad sa litrato ang mga aso na sumasama sa kanya sa araw-araw na paglalakad sa mga kalsada sa Marikina.

“Siguro marami na pong nakakakita kay Nanay Marina Galiya. Lagi po siyang naglalakad bitbit ang mabibigat na karton, tulak-tulak ang sidecar na halos ‘di na kayanin sa sobrang daming karton. Lagi rin niyang kasama ang mga aso n’ya,” pagbabahagi ni Joyce.

Tinanong daw niya ito, “Nay, bakit po nandiyan ang mga aso ninyo?” Tugon nito, gusto niyang kasama palagi ang mga aso dahil naaawa siyang maiwang mag-isa ang mga mahal niyang alaga sa bahay.

“Tinanong ko rin s’ya kung kumusta naman s’ya, kung hindi ba siya nahihirapan. Sabi niya,  okay lang daw siya. Pero para sa akin, hindi,” ani Joyce, sapagkat maging siya raw na mas bata rito ay parang hindi kakayaning itulak ang punong-punong sidecar patungo sa junkshop.

Image via Joyce Garban‎ | Facebook

Kuwento ng mga nakakakilala sa matanda, likas daw ang pagmamahal nito sa mga hayop at talagang anak ang turing niya sa kanyang mga alaga.

“Tagarito ‘yan sa amin si Nanay Marina…sadyang pet lover si nanay, ‘di lang aso ang alaga n’ya, pati pusa at rabbit,” ani Joseph Timario.

Image capture from Facebook

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: