Rainbow-colored pedestrian simbolo ng pagsuporta ng Maynila sa LGBT community

  • Ibinahagi ni Mayor Isko Moreno ang pagkakaroon ng rainbow-colored pedestrian sa Manila
  • Ito ay isa sa kanyang paraan upang ipakita ang pagsuporta ng Manila City sa LGBT community
  • Ang pagpapagawa nito ay inanunsyo ng alkalde via Facebook Live

Suki na ng balita ang kabi-kabilaang mga proyekto at programang isinasagawa at isinusulong ng bagong alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno.

Imahe mula sa Facebook account ni Isko Moreno Domagoso

Mas kilala sa tawag na Yorme, si Mayor Isko ay isa sa mga may matutunog na pangalan sa larangan ng pulitika ngayon matapos maihalal noong nakaraang eleksyon.

Simula nang maupo sa puwesto ay marami na itong naipatupad na mga alituntunin sa siyudad gaya ng paglilinis ng Divisoria at pag-renovate ng Liwasang Bonifacio.

Ngayon naman ay usap-usapan ang kakagawa lamang na rainbow-color inspired pedestrian na matatagpuan sa Arroceros at Natividad street na malapit sa City Hall.

Ayon kay Mayor Isko, ang paglalagay ng rainbow pedestrian sa isa sa busiest streets ng Maynila ay isang paraan upang tuparin ang kanyang pangakong suporta sa LGBT community.

Screenshot mula sa video sa Facebook account ni Isko Moreno Domagoso

“Now here at Aroceros St. cor Natividad St. Newly asphalted intersection and thermoplastic paint with touch of LGBT colors pedestrian.”

Ang construction nito ay inanunsyo ni Mayor Isko sa publiko sa pamamagitan ng Facebook Live.

Idinagdag pa ng alkalde na nais nilang iparamdam na ang LGBT community ay kasama sa mga ordinansang ipatutupad sa siyudad.

Maraming mamamayan ang natuwa sa adbokasiyang ito ng alkalde;hindi lamang mga taga-Maynila kundi pati na rin mga kababayan natin sa ibang bansa.

Screenshot mula sa video sa Facebook account ni Isko Moreno Domagoso

“Good job po mayor kahit di ako taga-Manila pero pusong Manila. Shout out po, nandito po ako ngayon sa New Zealand. It’s about 5:39 am ng umaga ng Wednesday.”

“Good Job Mayor Isko Moreno. The best talaga kayo, ‘di po ako nagsisisi sa pagboto sa yo. Happy Birthday po Yorme in advance”

“Beautiful, wow. The city is almost in line for what the mayor and the people desired to achieve . Great accomplishments Mr. Mayor. Congratulations”

Sources: ABS-CBN News Facebook Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: