Pinoy : Ang paraan ng panggagamot na kung tawagin ay ‘pagtatawas’

  • Isa ang pagtatawas sa mga sinaunang paraan ng panggagam0t
  • Noon, lalo na sa mga probinsya at mga lugar na malayo sa sibilisasyon, ay sa magtatawas kaagad dinadala ng karamihan ang mga may karamdaman sa pamilya
  • Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng marami ang mga alaalang may kinalaman sa pagpapatawas

Naranasan mo na bang madala sa isang magtatawas noong minsang magkasakit ka?

Image capture from Facebook

Isa ang pagtatawas sa mga sinaunang paraan ng panggagam0t sa Pilipinas. Noon, lalo na sa mga probinsya at mga lugar na malayo sa sibilisasyon, ay sa magtatawas kaagad dinadala ng karamihan ang mga may karamdaman sa pamilya. Dagdag pa rito, may ilang magtatawas din sa lungsod, bagama’t hindi kasing dami ng bilang ng mga nasa baryo.

Sa Facebook page na Batang Pinoy – Ngayon at Noon., binalikan ng maraming social media users ang mga alaalang may kinalaman sa pagpapatawas.

“‘Naku, pinaglaruan ‘yong apo mo ng duwende,’ ito ang narinig kong sabi ng nagtawas sa akin noong bata pa ako. ‘Di ko alam kung totoo. May uling pa na nagkorteng duwende,” kuwento ni Evanz Cruz.

“Mayroon sa ‘min dito magaling na magtatawas ‘tsaka manghihilot. Bata pa lang ako kilala na siya rito. Talgang makikita mo ‘yong korte sa tawas niya,” pagbabahagi ni April Mae Coja Miras.

Kuwento pa ng isa, minsan ay lumabas pa sa tawas na nagulat daw sa manok ang bata kaya ito nilagnat.

Image via Batang Pinoy – Ngayon at Noon. | Facebook

“Naalala ko mga anak ko. Noong maliliit sila, lagi kong pinapatawas kay Apung Kiska. One time, ang lumabas ay nagulat daw ang anak ko sa manok. Nang umuwi na kami, ikinuwento ko kay Tatay. Aba’y nagalit! Galit sa nagtawas, bakit daw pati mga manok n’yang pansabong ay pinakikialaman!” natatawang sabi ni Emelita Caoleng Carpio.

Ikaw, nagpatawas ka na ba noon? Naniniwala ka ba sa “kapangyarihan” nito? Ibahagi ang kuwento mo sa comments section!

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: