Pinangarap na debut ng dalagitang yumao ilang araw bago mag-18, tinupad sa kanyang burol

  • Itinuloy ang debut ng teenager na yuma0 ilang araw bago ang kanyang debut
  • Sa Facebook, ibinahagi ng mga malalapit kay Perce ang mga kuha mula sa 18th birthday celebration niya na ginanap sa kanyang bur0l
  • Napuno ang kinaroroonan ni Perce ng mga kulay rosas na dekorasyon, mga handang pang-kaarawan, at kantahan

Isa ang ika-18 kaarawan sa pinakamahahalagang sandali sa buhay ng isang babae. Katulad ng maraming kababaihan, kinasabikan din ng teenager na si Perce Cabagay ang kanyang debut.

Images via Jinggay Jinggay

Ngunit dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari, hindi na siya umabot pa sa tagpong iyon. Ilang araw bago dumating ang kanyang debut, yuma0 si Perce dahil sa isang aksidente. Dahil dito, hindi na niya mararanasan pa ang lahat ng pinangarap niyang maganap sa espesyal na okasyong iyon.

Subalit hindi basta-basta palalampasin ng mga nagmamahal sa kanya ang araw na iyon. Pinuno nila ng kulay rosas na lobo at mga dekorasyong pang-debut ang kinaroroonan ng labi ni Perce. Kumpleto rin sa handa, may cakes, cupcakes, mga pagkaing kadalasang nakikita sa birthday parties, at mayroon ding videoke kung saan masayang nagkantahan ang mga naroroon.

At sa kabila ng pagbuhos ng ulan noong araw na iyon, natuloy ang inaasam na selebrasyon — na kinumpleto ng 18 roses, 18 candles, at iba pa — kahit pa ang debutante ay nakahimlay na.

“Happy birthday, Perce, have a great day in heaven,” saad ng kaibigan niyang si Jinggay. “We know you are celebrating your birthday with God because you are a good person.”

Image capture from Facebook

Hindi man katulad ng nasa plano ang naganap na selebrasyon dahil sa hindi inaasahang biglaang pagkawala niya, natagpuan pa rin doon ang tuwang dala ng mga alaala ng dalagitang sana ay magiging ganap na dalaga na.

Sa pus0 ng mga naroroon ay matatagpuan ang pag-asa na isang araw, sa tamang panahon, ay magdiriwang din sila nang ganap na masaya; buo at magkakasama.

Nakarating din sa Kapuso Network ang malungkot na pangyayari kay Perce:

Sources: Facebook, Facebook,


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: