Pinagtatawanang cake na hindi kamukha ni Elsa, may nakaaantig na istorya

  • Muling nag-viral kamakailan ang larawan ng “failed Elsa cake”
  • Lingid sa kaalaman ng marami, ang pinagtatawanang cake na malayo ang hitsura sa Disney character na si Elsa ay mayroon palang nakaaantig na istorya
  • Sa isang Facebook post, ibinahagi ng gumawa ang tunay na kuwento sa likod nito

Muli na namang nag-viral kamakailan ang larawan ng “failed Elsa cake”. Katulad ng dati, pinagtawanan ulit ng maraming netizens ang litrato dahil sa hindi maikubling katotohanan na napakalayo ng disenyo ng cake sa hitsura ng nasabing Disney character.

Image via Reddit

Ang hindi nila alam, may nakaaantig na kuwento sa likod ng nasabing litrato. Noong una itong nag-viral, nakarating daw ang mga hindi magagandang kumento sa gumawa ng cake. Ayon kay Tracy ng Icing Smiles, kinontak niya ang lumikha nito na si Lisa para sana makisimpatya. Laking gulat daw niya nang malamang hindi ito apektado. Binago raw ng naging tugon nito ang kanyang pananaw.

“Her Facebook page was loaded with comments, to which she graciously replied with humor and self-deprecation. She even commented that she knew it wasn’t her best work and maybe Elsa was getting back from rehab. The best part was that she didn’t care because she made a child happy,” ani Tracy.

[Puno ng kumento ang kanyang Facebook page, kung saan siya tumugon nang magalang. Sinabi pa niya batid niyang hindi ito ang pinakamaganda niyang gawa at baka nga kababalik lang ni Elsa mula sa rehab. Ang pinakamagandang sinabi niya, hindi niya raw alintana ang sinasabi ng iba sapagkat nakapagpasaya siya ng isang bata.]

Sa comments section ng isang post, ibinahagi rin ni Lisa ang tunay na kuwento sa likod ng Elsa cake.

Image from Facebook

Ang nasabing cake pala ay ibinigay sa isang batang may sakit, na natuwa naman dito.

Marahil, mararamdaman at mararamdaman talaga ang pagmamahal mula sa mga bagay na nilikha gamit ang pag-ibig at kabutihang loob.

Sources: Facebook, Facebook, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: