‘Pinaglumaan ng panahon’: Litrato ng ‘may edad na Tweety’, muling nagdala ng nostalgia

  • Muling nagdala ng nostalgia sa netizens ang litrato ng “may edad na Tweety”
  • Sa Facebook ng Memories of Old Manila, ibinahagi ng isang user ang larawan ng tumatanda nang Tweety 
  • Nakakuha ang post ng libo-libong reactions mula sa mga miyembro

Isa ang ibong si Tweety sa mga iconic cartoon characters na minahal at kinaaliwan ng napakaraming bata sa iba’t ibang panig ng mundo.

Image via Looney Tunes

At dahil tila kakabit na ng dilaw na ibong ito ang mga mumunting tuwa at alaala mula sa pagkabata, marami ang nakaramdam ng nostalgia nang muling may magbahagi ng litrato ng “may edad na Tweety”.

“Sumikat si Tweety Bird noon, heto na pala siya ngayon. Pinaglumaan din ng panahon,” saad ng nagbahagi ng larawan ng “may edad na Tweety” sa Facebook group na Memories of Old Manila.

Nakakuha ang post ng libo-libong reactions mula sa ibang mga miyembro. Marami ring nag-iwan ng kumento; may mga nagbalik-tanaw, may mga nalungkot, may mga naaliw, at mayroon din mga nagkaroon ng realisasyon tungkol sa buhay at sa kahalagahan ng oras.

“Lahat ng bagay naluluma, tao ay tumatanda. Ang isang bagay na halimbaw si Tweety, hindi ninyo napansin na nasa tabi lang siya kasi hindi na ninyo kailangan,” sabi ni Vicenta Rafallo sa mga tumanda at tila nakalimot na sa isa sa mga bumuo sa kabataan nila na si Tweety.

Image capture from Facebook

Payo naman ni Letty Junio, “Even animals are getting old, too. No living things will live forever. Only non-living things will last in this world. So, folks, let’s enjoy life while we can.”

Ang cartoon character na si Tweety ay unang lumabas noong 1942 sa A Tale of Two Kitties at mas nakilala pa noong 1990s dahil sa palabas na The Sylvester and Tweety Mysteries. Naging bahagi rin siya ng Looney Tunes at nagkaroon pa ng batang bersyon sa Baby Looney Tunes.

Sources: Facebook, YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: