Pia Wurtzbach nahihiyang magpakita ng designer items sa latest bag raid ng The Gold Squad

  • Si Pia Wurtzbach ang latest featured artist sa “bag raid” edition ng The Gold Squad
  • Ibinahagi ni Pia sa video na nahihiya ito magpakita ng mga designer items
  • Bukod dito ay nagbigay din ng mga payo si Pia kina Andrea Brillantes at Francine Diaz

Patok ngayon sa mga YouTube vlogs ang segment na bag raid sa mga sikat na celebrities.

Screenshot mula sa video sa YouTube account ng The Gold Squad

Ang mga vlog episodes ay karaniwang inaabangan nating mga viewers dahil sa paraang ito ay nakikita natin kung ano ang laman ng bags ng ating mga paboritong artista.

Kamakailan, ang bag raid edition ng mga ABS-CBN stars ng hit teleseryeng Kadenang Ginto at YouTubers din na sina Andrea Brillantes at Francine Diaz featuring Kim Chiu at Maja Salvador ay nagtamo ng halos 3.2M views sa YouTube.

Kung kaya naman pinakainaabangan ng mga fans kung sino ang kanilang susunod na featured artist sa segment nilang ito.

At ngayon ay kalalabas lamang ng kanilang bagong episode kung saan tampok ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach.

Sa video na ito ay ipinakita ni Pia ang mga laman ng kanyang white Balenciaga bag.

Una nitong ipinakita ang kanyang wallet, kasunod ng powerbank, at mga makeup essentials gaya ng face powder at lipstick. Subalit nang sila ay madako na sa mga dala niyang mga accessories ay bahagyang nahiya na ito na magpatuloy.

Screenshot mula sa video sa YouTube account ng The Gold Squad

Ayon dito ay nahihiya siyang ipakita ang mga designer items na pagmamay-ari niya sapagka’t iniisip niya na parang ang yabang naman niya. Ito naman ay mabilis na pinahindian ng dalawang teen stars, at sinabing sila ang nahihiya rito.

Nabanggit din ni Andrea na nais nito makabili ng Chanel items paglaki nito.

Dahil dito ay pinayuhan sila ni Pia na sa ngayon ay i-enjoy muna nila ang pagiging bata na kung saan ay puwede silang magsuot ng mga damit at looks na colorful o pang-youth, at kapag sila ay nasa age na ni Pia ay saka sila mag-upgrade ng pang-mature na look gaya ng paggamit ng Chanel.

Sources: YouTube    ABS-CBN    News YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: