Payo ni Francis M noon kay Gloc 9: Mas galingan po sa ibaba ng stage

  • Ibinahagi ng popular rapper na si Gloc 9 ang isa sa mga aral na nakuha niya sa mentor na si King of Rap Francis Magalona
  • Sa Instagram, nagbahagi si Gloc 9 ng litrato nila ni Francis M
  • Sa caption, isinama na rin niya ang isa sa mga payo nito noong nagkapr0blema siya

Ibinahagi ng bantog na rapper na si Gloc 9 ang isa sa mga aral na nakuha niya sa kanyang idolo, mentor, at inspirasyon na si King of Rap Francis “Francis M” Magalona.

Image capture from Instagram

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Gloc 9 ang isang larawan nila ng kanyang idolo at inalala ang ipinayo nito sa kanya noong minsang nagkapr0blema siya sa isang deal.

“Sabi mo dati sa ‘kin, Sir, no’ng nalaman mo na dehado ako sa isang deal ko sa mga song ko, ‘Hayaan mo na ‘yon, ‘Ris, gumawa ka na lang ulit ng kanta. Basta tandaan mo, ‘Ris, lagi mong gagalingan hindi lang sa ibabaw ng stage. Lalo mo dapat galingan sa ibaba nito.’ Salamat, Sir! Maraming salamat lagi!” aniya.

Sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda, tinanong si Gloc 9 kung ano ang reaksyon niya sa mga sinasabi ng tao na siya na ang King of Rap ngayong wala na ang kanyang mentor na si Francis M. Aniya, mas gusto raw niyang matawag na “Alalay ng Hari”.

“Personally, ayoko talagang kunin ‘yong title na ‘yon. If ever mayroon akong title, ang title ko lang talaga ay alalay ng hari. To begin with, ako po ay tagahanga ni Francis M, nagkataon lang po na ako ay nakapag-rap din at nakasulat. Dahil sa kanya, ako rin ay nakasulat ng songs and lyrics,” wika ni Gloc 9.

Image capture from YouTube

Isa ang Lando sa mga pinakasikat na rap song na pinagsamahan nina Francis M at Gloc 9:

Matatandaang naging emosy0nal si Gloc 9 nang itanghal nila ang Lando sa ginanap na Francis M Day noong 2009, isang nakaaantig na tribute ng Eat Bulaga para sa yuma0ng host nito:

Source: Instagram, TWBA, YouTube, YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!