Pasko sa South Cotabato: Bisitahin ang recycled giant Christmas Tree at Santa’s Clubhouse

  • Tampok ngayon sa Tampakan, South Cotabato ang kanilang higanteng Christmas tree na gawa sa recycled materials
  • Ito ay pinagtulungang itayo ng mga naninirahan doon, at tanging Christmas lights lang ang ginastusan
  • Makikita rin dito ang sikat na Santa’s Clubhouse

Kilala sa buong mundo ang kakaibang paraan nating mga Pinoy sa pagdiriwang ng Pasko.

Imahe mula sa Facebook Page ng Provincial Government of South Cotabato

Pagtapak pa lamang ng “ber” months ay nagsisimula na tayo ng countdown. Higit sa lahat ay kapansin-pansin ang mga tampok na naglalakihan, naggagandahan at iba’t-ibang konsepto ng mga Christmas tree sa iba’t-ibang lugar dito sa ating bansa.

At para sa atin, ito ang isa sa pinakamagandang parte ng Paskong Pinoy.

Kung kaya naman hindi nagpahuli ang Tampakan, South Cotabato sa pagtatayo ng kanilang malahiganteng Christmas tree na matatagpuan sa plaza ng kanilang bayan.

Bukod sa taas nitong 100 talampakan ay kamangha-mangha rin na ito ay gawa sa recyclable materials na pinagtulung-tulungang itayo ng mga naninirahan doon. Community teamwork, ‘ika nga.

Imahe mula sa Facebook account ni Ariel Pascua

Sa Facebook post ng netizen na si Ariel Pascua ay nilarawan nito na ang higanteng Christmas tree ay gawa sa 100,000 pirasong recyclable materials na karamihan ay PET bottles.

Ayon pa sa report ng ABS-CBN News ay tanging ang Christmas lights lamang ang ginastusan ng kanilang lokal na pamahalaan kaya’t masasabing ito proyektong mula sa puso ng mga mamamayan.

Dahil sa hatid nitong good vibes sa mga tao ay naging instant pasyalan ito ng mga residente at mga turistang napapagawi roon kaya’t tiyak na masigla ang kanlang lugar.

Maliban dito ay mapapasyalan din sa Tampakan ang sikat na Santa’s Clubhouse kung saan makikita ang mahigit 1,000 koleksyon ng mga Santa Claus figurines ng pamilya Estrabon. Nakamamangha ang kolesyong ito na siguradong maraming taon ang binilang bago ito nabuo.

Imahe mula sa Facebook Page ng Santa’s Clubhouse

 

Sources: Facebook ABS-CBN News Facebook Facebook Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: