‘Para sulit ang ipinambili’: Babae, paulit-ulit isinusuot ang wedding gown

  • Paulit-ulit na isinusuot ng isang babae ang kanyang wedding gown
  • Sa Instagram, ibinahagi niya ang mga larawan niya habang suot ang gown
  • Naisuot na niya ito sa grocery, sa gym, sa pangingisda, at maging sa bahay

Sabi nila, ang babae dapat ang pinakamaganda sa araw ng kanyang kasal, kaya naman ginagastusan talaga ng karamihan ang gown na isusuot nila sa espesyal na okasyong iyon; hindi alintana kung resonable ba ang presyo o kung isang beses lamang magagamit ito.

Image capture from Instagram

Pero praktikal ba ito? Para kay Tammy Hall, isang 43-anyos na bride mula sa Adelaide, dapat masulit niya ang ginastos niya sa kanyang $1,000 na wedding gown. Dahil dito, paulit-ulit niya itong isinusuot.

“The dress was everything I wanted it to be! So now it’s time to get my money’s worth…all about what happens to the dress after the big day,” saad niya sa kanyang post sa Instagram account na nagsisilbi niyang blog.

[Ito mismo ang gusto kong maging hitsura ng wedding gown ko! Ngayon, panahon na para masulit ang ibinayad ko para rito. Ang account na ito ay tungkol sa nangyari sa bestida pagkatapos ng kasal ko.]

Naisuot na niya ang kanyang wedding gown sa grocery, sa gym, sa pangingisda, sa panonood ng game, sa paglalaro ng basketball, sa pagbabasa ng libro sa kanilang tahanan, sa pagsisibak ng kahoy, at maging sa pagiging abala sa gawaing-bahay. Suot din niya ito noong maimbitahan siya sa isang istasyon ng telebisyon, kung saan siya tinanong tungkol sa pagsusuot ng wedding gown kung saan-saan.

Image via @frockmebeautiful | Instagram

Sundan ang mga adventure ng wais na bride sa kanyang Instagram account.

Ikaw, gagawin mo rin ba ito sa iyong damit pangkasal? Ibahagi ang opinyon mo sa comments section!

Source: Instagram, Oddity Central


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: