Pa-good vibes: Netizen napakanta ng baby shark dahil sa ‘kalagayan’ ng isang pasahero sa MRT

  • Isang netizen ang nagbahagi ng litrato sa FB tungkol sa nakasabay niyang pasahero sa MRT
  • Sa larawang ito, makikita na siksikan sa loob ng tren at kaniya-kaniyang diskarte kung saang parte hahawak para lamang hindi matumba
  • Sa litrato ay tila nakakurot na lang ang pasahero sa itaas na bahagi ng tren, at umaaliw ito sa maraming netizens na nakaka-relate

Ang araw-araw na pagsakay sa MRT ay #StruggleizReal para sa maraming Pinoy. Bukod sa kalimitan ay mahaba ang pila sa pagbili pa lang ng ticket at pagsakay, pahirapan din ang pagpasok sa loob ng tren.

Imahe kuha mula sa video ng Pinkfong! Kids’ Songs & Stories via YouTube channel

Bukod sa hindi sinasadyang nagkakatulakan sa loob kapag pumapasok sa tren, mahirap din para sa mga pasahero ang mapanatili ang balanse habang tumatakbo ang tren. Dahil kasi sa sobrang siksikan sa loob ng MRT, ang kaunting paggalaw lamang ay mahirap nang gawin. Kaya naman kaniya-kaniyang diskarte ang mga pasahero.

Imahe mula kay Ariette Naval Musa via Facebook

Sa litrato na ibinahagi ng netizen na si Arietta Naval Musa, makikita ang isa sa mga pagsubok na kinakaharap ng mga pasahero ng MRT — labis na siksikan sa loob ng tren. At hindi man nakuha ang mukha ng tao na nasa litrato ni Musa, mahahalata namang mayroon itong matinding ‘pinagdaraanan’.

Sa litrato kasi ay makikitang halos nakakurot na lang ang pasahero sa taas na bahagi ng MRT para lang makakapit. Ito siguro ay upang hindi siya matulak o ‘di kaya naman ay hindi matumba dahil sa pag-andar ng tren.

Ang litrato ay nilagyan pa ni Musa ng nakakatuwang caption na: Kuya sa akin ka na lang kumapit  #Mrtfeels napapababy shark tuloy ako!

Imahe mula kay Ariette Naval Musa via Facebook

Isa kasi sa mga steps sa sikat na pambatang kanta na Baby Shark ay ang galaw na tila may sinisipit sa pagitan ng hintuturo at hinlalaking daliri. At ganito ngang kilos ang makikita sa larawan ni Musa na mayroon na ngayong mahigit 13,000 reactions na karaniwan ay “HAHA” mula sa mga netizens.

Marami naman ang naka-relate rin sa sitwasyon ng pasahero na nasa litrato. Anila: “Parang may naalala ako ganito kumapit?”

Naalala ko dito yung pag paprepretend ko na nakaupo sa jeep

Di ko magawa yan, kasi di ko abot huhu

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!