Opisyal na “Tulfo and Chill” hoodie jacket at t-shirts, maaari nang mabili

  • Pormal nang inanunsyo ng official Facebook page na Raffy Tulfo in Action na maaari nang makabili ng hoodie jacket ang mga tagasubaybay ng programa
  • Ang jacket na ito na may nakalagay na “Tulfo and Chill” ay unang nakitang suot ng host na si Raffy Tulfo
  • Rehistrado na rin ang disenyo sa ilalim ng Intellectual Property Code of the Philippines
Imahe mula Raffy Tulfo in Action via Facebook page

Wala nang makapipigil sa paglaganap ng “Tulfo fever” dahil sa dumaraming viewers at tagasubaybay ng programang Raffy Tulfo in Action sa telebisyon, YouTube channel, o Facebook page.

Sa katunayan, milyon-milyon na ang kanilang likers, subscribers, at viewers na mga Pinoy sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kaabang-abang ang mga episode ng programa at kalimitan sa mga ito ay nate-trending sa iba’t ibang social media at sa mga viral na memes.

Nakilala ang programa bilang sumbungan ng mga taong niloko, iniwan ng mga asawa, at iyong mga nag-viral sa social media dahil sa mali nilang ginawa o aksyon.

Imahe mula Raffy Tulfo in Action via Facebook page

At marami na ang humahanga sa programa dahil sa dami na rin ng kanilang natulungan lalo na sa pagkamit ng hustisya at pag-file ng mga kaso sa korte. Tinututukan din nila ang bawat problemang inilalapit sa kanila hanggang ito ay masolusyonan.

At dahil sa umuusbong na pagsikat ng Raffy Tulfo in Action, nagkaroon na rin sila ng mga merchandise na maaaring bilhin ng mga tagapaghanga ng programa lalo na ni Idol Raffy Tulfo.

Kamakailan ay nag-post ang opisyal Facebook page ng Raffy Tulfo in Action na RTIA Merchandise na maaari na ring makabili ng hoodie jacket ang mga tagasubaybay ng programa. Nakalagay sa jacket na ito ang mga salitang “Tulfo and Chill.”

Imahe mula RTIA Merchandise via Facebook page

Ang mga katagang “Tulfo and Chill” ay hango sa orihinal na “Netflix and Chill,” ngunit imbes na mga videos sa Netflix ang panoorin, ay mga videos ng Raffy Tulfo in Action ang hilig na libangan ng mga Pinoy.

Inanunsyo ng RTIA Merchandise Facebook page na ang “Tulfo and Chill” na disenyo na nakaimprenta sa hoodie-sweatshirts at t-shirts na kanilang ibinebenta ay rehistrado sa ilalim ng R.A. 8293 o ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Bukod sa hoodie jackets at t-shirts, maglalabas na rin sila ng bersyon ni Idol Raffy na funko pop. Magpunta lamang sa kanilang Facebook page upang malaman ang iba pang detalye.

Sources: Facebook, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: