Nostalgia: Naibili ka na rin ba ng sapin sa paa gamit ang kapirasong papel lamang?

  • Maraming bata ang nakaranas nang mabilhan ng sapatos o tsinelas kahit hindi kasama ng mga magulang nila
  • Bukod sa pagkabisa ng size ng paa nila, sinusukat din ito sa pamamagitan ng papel o cardboard
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, bumalik sa kahapon ang marami matapos may mag-share ng isang papel na ginamit bilang panukat ng paa

Naranasan mo na bang mabilhan ng sapatos o tsinelas kahit na hindi ka kasama at ang dala lamang ay isang kapirasong papel?

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, bumalik sa kahapon ang marami matapos may mag-share ng isang papel na ginamit bilang panukat ng paa. Maraming bata kasi ang nakaranas na mabilhan ng sapatos o tsinelas kahit hindi sila kasama ng mga magulang nila.

“‘Yong ‘di ka isinama sa palengke ng nanay mo,” saad ng nag-post ng larawan na si Elijah Rick Ora‎.

Marami ang nagkumento sa litrato at ikinuwento ang mga gunita na kakabit na ng kapirasong papel.

“Relate ako riyan kasi masikip daw sa palengke at turo lang daw ako nang turo hehe. Tapos hindi ako isasama,” pagbabahagi ni Golden Apple.

“Feel ko ‘yan. Early 90s ginawa ko rin ‘yan sa mga anak ko,” ani Pascua Peji Tere.

“Noong mga bata pa kami, excited na kami ‘pag kumuha ng papel at lapis ang nanay namin, tapos pinatapak ang isang paa namin sa papel at ginuhitan ng lapis. Sa isipan namin, ‘Alam na this!'” kuwento ni Veny Buen.

Image capture from Facebook

Ngunit hindi naman pala hanggang sa alaala na lamang ang lahat. Bagama’t tila tapos na ang mga panahong usong-uso ang ganitong sistema, mayroon pa rin palang gumagawa nito sa kasalukuyan.

Ikaw, naranasan mo rin ba ito? Ginawa rin ba ito sa iyon noon? Ginagawa mo ba ito ngayon sa mga anak mo? Ibahagi sa comments section ang iyong kuwento!

Source: Memories of Old Manila


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: