Nostalgia: Mga panahong ginagawa pang ‘nail polish’ ang liquid eraser

  • Madalas gawing “nail polish” ng maraming bata noon ang liquid eraser
  • Ito ay bago pa mauso ang paggamit ng correction tape 
  • Sa We are 90’s (Kami ang Batang 90’s), nagbalik-tanaw ang maraming miyembro matapos may magbahagi ng liquid eraser na ginagamit noon bilang “nail polish”

Ginawa mo rin bang “nail polish” ang liquid eraser o liquid paper noong bata ka? Pakiramdam mo rin ba noon ay dalaga ka na dahil sa nakalagay sa iyong kuko na karaniwang sa matatanda lamang nakikita? Nagkasayahan din ba kayong magkakaklase habang ginagawa ang larong ito?

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na We are 90’s (Kami ang Batang 90’s), nagbalik-tanaw ang maraming miyembro matapos may magbahagi ng liquid eraser na ginagamit ng mga batang estudyante noon bilang “nail polish” — isang laro o pampalipas-oras na naging popular sa elementary students lalo na noong 1990s.

Sa ibinahagi ni Kael Peralta na post ng Batang pinoy page, mababasa ang tanong na, “Girls, naaalala n’yo pa ba ang nail polish ninyo noon?” Ang mga katagang ito ay nakalagay sa litrato ng isang popular brand ng liquid paper — larawang nagdala ng nostalgia sa mga miyembro ng grupo.

“Haha ang ganda kaya ng kulay,” natatawang pag-aalaala ng member na si Sheryl Ann Narvasa Stucke.

“Nagpapabili ako sa ermat (nanay) ko niyan pero sa kuko lang namin nilalagay,” pag-amin ni Ainjhel Skeptron Millas.

“Present po! Nagalit classmate ko kasi hiniram ko, akala niya gagamitin ko pang-erase, ‘yon pala, nakita niya, nilagay ko sa mga kuko ko. Galit na galit kasi inubos ko raw ‘yong liquid paper niya, tinitipid niya nga raw e. Hahaha ang tagal niya ako hindi pinansin sa room namin,” pagbabahagi ni Delmad Bhavez.

Image via National Book Store

Samantala, ang iba naman daw ay ginagawa lamang “base” ang liquid eraser at pinapatungan din ito ng highlighter sa kalaunan para magkaroon ng kulay.

DAGDAG KAALAMAN. Alamin ang istorya sa likod ng pagkakaimbento ng liquid paper:

Source: Facebook, YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: