Nostalgia: Mga nakaaaliw na kuwentong may kinalaman sa ‘Free Milo’

  • Binalikan ng social media users ang mga alaalang kakabit ng “Free Milo” na ipinamimigay noon sa mga bata
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, may nag-upload ng litrato ng mga batang nakapila para sa libreng Milo
  • Kanya-kanyang pagbabahagi ng kuwento ang mga miyembro ng grupo

Isa ka ba sa mga mag-aaral noon na nabigyan ng libreng Milo? Kabilang ka ba sa mga kabataang nakadalo ng event kung saan namimigay ng nasabing chocolate drink?

Image via Pixabay

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, may nag-upload ng litrato ng mga batang nakapila para sa libreng Milo. Bagama’t halatang hindi ito kuha sa Pilipinas ay marami pa rin ang nagbalik-tanaw sa mga panahon kung kailan nakatanggap sila ng chocolate drink na ito nang libre.

“Free Milo. Hi sa mga nakaabot nito. 90s kids!” saad ng nabahagi ng larawan na si Love Cee.

“Noong bata ako, nagtataka ako ba’t ang sarap ng Milo nila, ‘pag ako nagtimpla sa bahay hindi hahahaha,” pagbabahagi ng Facebook user na si Ken Aquino.

“Sarap niyan lalo na’t malamig tapos pipila ka ulit kahit ibang section na hehehe,” natatawang sambit ng miyembro na si JD Fourth.

“Naaalala ko ‘yan. Grade 2 ako. Two cups ‘pag sa Grades 1 to 3; ‘pag Grades 4 to 6, tig-iisa lang sila. Dami pa ‘yan pati iced tea noon. Tapos minsan pati toothpaste, pinagdadala kami toothbrush,” kuwento naman ng isa pang FB user na si Vic Mar Cabuguang.

Image capture from Facebook

Wika ng mga miyembro ng grupo, ang sarap talaga maging bata; mga panahong simple lang ang lahat, puwede kang sumaya sa simpleng chocolate drink na ibibigay sa iyo nang libre.

Ikaw, ano naabutan mo rin ba ang libreng Milo sa eskwelahan o sa mga event? May hindi ka ba makalilimutang alaala na nabuo dahil dito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section!

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: