Nostalgia: Lumang litrato ng Dunkin’ crew, ibinalik ang lumipas na kahapon

  • Bumalik sa kahapon ang mga netizens dahil sa isang lumang litrato ng Dunkin’ crew
  • Sa Facebook group na Old Manila, ibinahagi ni Mike Allones‎ ang nasabing larawan
  • Customer man o dating parte ng Dunkin’ crew, may kanya-kanyang binalikan na alaala ang mga nag-iwan ng kumento

Isa sa mga maituturing na classic meryenda o pasalubong sa Pilipinas ang Dunkin’, na kamakailan lang ay tinatawag pang Dunkin’ Donuts.

Logo of Dunkin’

Kaya naman marami ang nagbalik sa nakaraan noong may magbahagi ng larawan ng crew sa isang branch nito na kinuhanan ng litrato noong 1980s. Sa Facebook group na Old Manila, ini-upload ni Mike Allones‎ ang litrato ng mga taga-Dunkin’; na nakangiti habang suot noon ang klasik na uniporme. Customer man o dating parte ng crew, may kanya-kanyang binalikan na alaala ang mga nagkumento.

“Seven years ako riyan, from 1981 to 1987, ang laki ng service charge dati at well-trained ang mga staff. Karamihan ng crew ay working student at ‘yong iba ay sa exclusive school pumapasok,” kuwento ni Eliseo Boogie Baruelo Jr  na isang dating parte ng crew.

“That time, kapag naka-Dunkin’ o Mr. Donut ka, may pogi o ganda points ka na,” ani Joey Piring.

“Sikat ka ‘pag may bitbit kang Dunkin’ Donut noong mid 80s. My pasalubong for my younger sister,” pagbabahagi naman ng user na si Lilivic Oracion Joves.

“Ang dami. Now, usually you’ll just see one or two people at the counter,” puna ni Aimee Garcia.

Image capture from Facebook

Samantala, nagulat ang miyembro na si Joel Ferrer matapos makakita ng isang pamilyar na mukha.

“Mr. Allones, where did you get this picture? One of the crew ladies was my girl friend before. I’m so amazed when I saw this picture, parang nag-reminisce ako,” aniya.

Ikaw, ano ang mga naaalala mo sa brand ng classic doughnuts na ito?

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: