Nostalgia: Ang mga mumunting surpresang hatid ng ‘Basta Pinoy’ na tsitsirya

  • Patok na patok noon sa mga batang 90s ang tsitsiryang “Basta Pinoy”
  • Tuwa ang hatid ng “Basta Pinoy” sa mga bata dahil sa libreng laruan o kendi na nasa loob ng bawat pakete nito
  • Sa Facebook, binalikan ng maraming netizens ang mga alaalang kakabit ng tsitsirya na bukod sa masarap ay  mayroon pang dalang sorpresa

Mga batang 90s, natatandaan n’yo pa ba ang paborito ninyong tsitsirya noon na “Basta Pinoy”?

Image via Kami ang Batang 90s | Facebook

Sa Facebook, binalikan ng maraming netizens ang mga alaalang kakabit ng tsitsirya na bukod sa masarap ay mayroon pang dalang surpresa dahil may lamang laruan o kendi ang bawat pakete nito.

“Nakuha ko isang plastic ng bubble gum na mga 10 pieces yata ang laman. Para akong naka-jackpot. Madalas kasi laruan lang ‘yong prize,” kuwento ng Facebook user na si Edward Lim.

“Laging kabayong may angkas na Indian ‘yong nakukuha ko riyan, pero sarap durugin niyan bago kainin. Pinipitpit namin sa pader sa eskinita,” pagbabahagi ni Mark De Guzman,

“Dahil d’yan wala kami tubo, e….Hirap pala kapag kayo mismo nagtitinda kasi maku-curious ka sa laman n’ya,” pagbabahagi ni Cherry Llamas Cuizon.

“Tapos ‘yong bibili ka sa tindahan tapos sasabihin mo sa tindera kung p’wedeng kapain. Sa kakakapa mo dur0g na ‘yong laman,” pagbabalik-tanaw naman ni Edcel Dela Cueva sa gawain ng marami.

Image capture from Facebook

Dahil sa tsitsiryang ito ay nakabibili ng hindi mapapantayang saya para sa mga bata ang piso, na kung tutuusin ay maliit na halaga lang at matatawag mong “barya lamang”.

Ikaw, isa ka rin ba sa mga bata na nahilig noon sa “Basta Pinoy”? Ano ang hindi mo makalilimutang free na nakuha mo mula sa tsitsiryang ito? May naitabi ka pa ba sa mga nakuha mo mula rito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section nito!

Sources: Facebook, Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: