Netizens masayang nagbalik-tanaw sa pagho-host ni Kris Aquino sa ‘Game Ka Na Ba’

  • Isa ang “Game Ka Na Ba?” sa mga pinakasikat na game shows na nag-air dito sa ating bansa
  • Si Kris Aquino ang unang host nito, at nakilala sa kanyang remarkable style ng pagho-host
  • Trending sa social media ang isa sa mga old video clips nito na kinatuwaan ng mga netizens

Taong 2001 nang unang umere sa telebisyon ang sikat na game show na “Game Ka Na Ba?” dito sa Pilipinas.

Screenshot mula sa YouTube video ni Simeon Melecio

Si Kris Aquino ang kauna-unahang naging host ng game show na ito na kung saan siya ay higit na nakilala dahil sa kanyang mahusay at nakaaaliw na istilo ng pagho-host.

Iconic ang mga katagang “Pilipinas, Game Ka Na Ba?” at ang “Correct” na pahayag nito kung ang contestant ay nakasagot nang tama.

Kung kaya naman mabilis na nag-trending sa social media ang post ni Ajie Jugueta sa Twitter na nagpapakita ng isa sa mga video clip ng nasabing game show.

“Kris Aquino hosting Game Ka Na Ba is a gem.”

I-click ang imahe para mapanood ang video sa Twitter | Ajie Jugueta

Sa ngayon ay mayroon na itong higit na 400K views sa Twitter kasunod ng halu-halong positibong reaksyon mula sa mga netizens.

Isa sa mga parte na mapapanood sa nasabing video ay kung paanong balak sanang ireto ni Kris ang kanyang kapatid na si Noynoy Aquino sa isa sa mga contestants na nagngangalang Candy.

Bukod sa nakaaaliw na pagho-host ni Kris ay pinuri rin ng mga netizens kung gaano nakadadagdag ng kaalaman ang game show na ito sa mga nanonood.

“Petition to bring back Pilipinas, Game KNB? PLEASE.”

“Last week, I’ve been watching her episodes in YouTube. Don’t know why, but nakakamiss lang. It also reminds of your childhood na every before mag-lunch umuwi ng maaga from school to watch Game KNB, and answer those questions.”

Screenshot mula sa video sa Twitter account ni Ajie Jugueta

“Sumagot ako dun sa tanong na kung ano ang nawawala sa taong may laryngitis. Ang sagot ko talaga a: LARYNX! Hahahahaha. Bat ambaba ng boses ni Kris dito? Dahil sa laryngitis? Lol.”

“She’s so extra! One of the reasons watching this was her. Really entertaining for a quiz-related game show.”

Matapos ang ilang taon na pagho-host ni Kris sa Game Ka Na Ba ay sinundan naman ito ni Edu Manzano.

At kung ating matatandaan ay dito naman nauso ang Papaya Song.

Sources: Twitter YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: