Naabutan mo ba? Jollibee, nakilala muna noon sa pangalang ‘Jolibee’

  • Nakilala muna bilang “Jolibee” ang sikat na fastfood restaurant na Jollibee
  • Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng isang user ang poster ng Jollibee noong nagsisimula pa lamang ito
  • Marami ang nagulat at nag-akala na peke ang poster o may typographical error lang, habang ang iba naman ay batid ang mga pagbabago sa pangalan nito

Iba’t iba ang reaksyon ng social media users matapos makita ang poster ng Jollibee bago pa man ito naging isang kilalang fastfood restaurant sa loob at labas ng bansa.

Image capture from Facebook

Sa Facebook group na Memories of Old Manila, ibinahagi ng isang user ang poster ng Jollibee noong nagsisimula pa lamang ito. Kapansin-pansin na “Jolibee” (single L) at hindi Jollibee ang nakalagay sa lumang poster.

Dahil dito, marami ang nagulat, nagtaka, at mayroon ding nagduda kung bakit ito ang nasa poster. May mga nag-akala na peke ang poster o ginaya lamang ng kainang ito ang Jollibee para makabenta. May mga nag-isip din na baka naman typographical error lamang ang nasa poster. Marami tuloy ang napa-research at may mga nagtanong pa sa kanilang mga magulang.

“Isa pa lang L niya noon. Since mas matanda si Jabi sa akin e nanay ko ang nakapansin. Bigla na lang may bubuyog ta’s dalawa na L noong umunlad na,” saad ng member na si Queenie Star Valera Duque.

Pero ano nga ba ang totoo? Bakit mayroong poster na isa lamang ang letrang L sa Jollibee gayong kahit saan kang branch pumunta at kahit anong advertisement ang tingnan mo ay dalawa talaga.

Jollibee logo

Ayon sa Filipiknow, tinawag muna itong “Jolibe” noong 1970s bago naging “Jolibee” sa kalaunan, hanggang sa naging Jollibee na matapos ang isang deliberate branding strategy.

Ikaw, inabutan mo ba ang mga pagbabagong ito? Naikuwento ba sa iyo ng mga nakatatanda? O ito ang unang beses na narinig mo ang tungkol dito?

Sources: Facebook, Filipiknow


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!