‘Mr. President’: Whattamen cast, naniniwalang maaaring naging public servant sana si Rico Yan

  • Inalala si Rico Yan ng kanyang mga kasamahan sa sitcom na Whattamen
  • Sa JeepneyTV feature, ibinahagi nila kung ano ang Whattamen noong naroon pa si Rico at kung ano ang nangyari sa kanila pagkatapos niyang mawala
  • Ikinuwento din nila na noon pa man ay likas na itong matulungin sa iba at naniniwala sila na maaaring naging public servant ito

Inalala ng kanyang mga kasamahan sa popular sitcom noon na Whattamen ang late matinee idol na si Rico Yan.

Image capture from YouTube | JeepneyTV

Sa isang JeepneyTV feature, ibinahagi ng mga nakatrabaho ni Rico kung ano ang Whattamen noong naroon pa ang aktor at kung ano ang nangyari sa kanila pagkatapos niyang mawala.

“Mas komedyante siya sa totoo kaysa sa TV,” pagbabahagi ni Dominic Ochoa.

“Charming si Rico. Hindi siya napapagalitan. Ang sama, ‘no?” natatawang sabi ni Marvin Agustin.

Dahil malapit na magkakaibigan ang tatlo, napag-uusapan na raw nila noon ang hinaharap. Anila, noon pa man ay may pus0 na para sa mga nangangailangan si Rico at naniniwala raw sila na maaaring naging public servant ito kung hindi nawala nang maaga, lalo na at may katangian din ito ng isang lider.

“Napag-usapan na namin noon kung anong mga gusto naming mangyari….That time mayro’n na siyang Rico Yan Foundation, may mga ganoon na siya. Nararamdaman ko…public service talaga ang nakikita ko na magiging direksyon ng career niya, na gusto niya talagang gawin. Sincere ‘yon sa kanya, that’s why ang tawag ko nga sa kanya noon Mr. President,” ani Marvin.

“Nagsisimula na rin akong magnegosyo. Sabi niya sa akin, ako raw magiging negosyante. Si Dominic, tatanda,” masayang pagbabalik-tanaw ng aktor. “Kung mayroong leader sa aming tatlo, siya ‘yon.”

Image capture from YouTube | JeepneyTV

Katulad ng pinakamalalapit na kaibigan ni Rico sa palabas, maging ang iba pang mga kasamahan niya na naging kaibigan niya na rin ay napansin din ito noon. Kuwento ni Vhong Navarro, isa itong totoong tao, matulungin, at higit sa lahat, mapagkumbaba sa kabila ng kasikatan.

“Noong sobrang sikat ni Rico, hindi niya pinaramdam sa amin ‘yon. Ang sabi ko nga, si Rico gusto kong maging presidente ng Pilipinas. Si Rico marunong mag-adjust sa taong kausap niya. ‘Pag matalino kausap niya e matalino si Rico….Kung kausap niya hindi nakapag-aral, bababa siya sa level na iyon. Siya ‘yong taong hindi kailangang kumandidato para tumulong sa tao,” aniya.

Kaya ganoon na lamang daw ang lungk0t nila noong mawala ito.

“Lalo na noong nawala na siya tapos…resume ng taping, ay, mahirap. Talagang nagdasal muna kami bago mag-start,” ani Vhong.

Sa totoo lang, ayon sa mga kasamahan niya, hindi lamang daw ang kanilang pamilya sa Whattamen ang nahirapan at nanibago nang mawala ang dating matinee idol, kundi pati na rin ang mga manonood na inaabangan ang sikat na sikat noon na si Rico.

Narito ang JeepneyTV feature kung saan inalala ng kanyang Whattamen Family si Rico:

Sources: Jeepney TV,


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: