Miss Earth-Ghana crowd favorite dahil sa pagsasalita ng wikang Filipino

  •  Usap-usapan muli si Miss Earth-Ghana 2019 matapos gumamit ng tagalog sa kanyang speech
  • Ayon dito ay tinuturuan ito ng kanyang tito na magtagalog
  • Dahil dito ay naging instant favorite ng mga Pinoy ang contestant

“Ang batang malakas kumain ay laging may GHANA.”

Imahe mula sa Facebook Page na Miss Earth-Ghana

Sa linyang ito ginulat ng kasalukuyang Miss Earth-Ghana 2019 na si Abena Appiah ang mga Pinoy nang ito ay kanyang bigkasin sa isang interview ng ABS-CBN News.

Si Abena ang tumatayong representative ng kanilang bansa sa ginaganap na Miss Earth 2019 pageant dito sa ating bansa.

Ang pagsasalita nito ng tagalog ang pumukaw sa atensyon ng maraming Pinoy; dahilan upang ito ay mag-trending sa social media.

Sa kasagsagan ng kompetisyon ay makikita natin siya sa iba’t-ibang mga interviews at shows sa telebisyon.

Imahe mula sa Twitter account ni AJ De Leon

At kamakailan lamang ay muli nitong pinahanga at pinasaya ang mga netizens dahil sa ending ng kanyang speech ukol sa pagtitipid ng tubig.

“Water is life. Let’s conserve water by always turning off the water faucets. Gumamit ng tabo, timba, at palang-GHANA!”

Bukod sa malakas na palakpakan na natanggap nito ay mabilis na nag-trending ang nasabing video sa social media at nagbigay ng maraming pampa-good vibes na mga komento.

Imahe mula sa Facebook Page na Miss Earth-Ghana

Ayon dito ay natutunan niyang magsalita ng tagalog dahil sa kanyang tito, at tinuruan din umano siya ng beauty queen na si MJ Lastimosa na itinanghal na Miss Universe Philippines 2014.

“A queen with a cause and sense of humor.”

“One of a kind! I swear she deserves the crown”

“Sana ang iyong taon ay maging masa-GHANA!”

Ang Grand Coronation Show ng nasabing pageant ay gaganapin sa Oktubre 26, sa Cove Manila.

Sources: Miss Earth Twitter ABS-CBN Entertainment YouTube Facebook Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: