Mga nagtitinda sa Tawi-tawi, gumagamit ng basket na gawa sa coconut leaves

  • Laganap ngayon sa social media at news sites ang larawan ng mga nagtitinda sa Tawi-Tawi
  • Ang mga larawan kasi na ito ay nagpapakita ng paggamit ng mga tindero at tindera ng coconut leaves bilang basket
  • Ang basket ay gawa mismo sa dahon ng buko na itinuturing na matibay na produkto
Imahe mula Shutterstock

Ang mundo ay tinatayang nasa mahigit 4.543 bilyong taon na. At sa tagal na nito, tiyak na marami na rin itong pinsala at mga isyu na kailangang matugunan ng mundo. At ang isa sa mga kinahaharap na problema sa buong mundo ay ang pagdami ng mga basura tulad ng plastik.

Mahirap idispatsa ang mga plastik o anumang materyal na gawa dito dahil hindi ito basta-basta natutunaw at hindi nabubulok.

Sa kahit anong parte ng mundo, ang mga tao ay gumagamit ng plastik. Kaya naman parami nang parami ang mga plastic waste na sumisira sa kalikasan lalo na sa mga karagatan.

Kaya naman upang mailigtas ang kalikasan at ang ating mundo, marami nang mga grupo at indibidwal ang nagsusulong ng paggamit ng mga materyal na gawa sa papel o iba pang disposable materials. Dito sa Pilipinas, isinusulong na sa maraming lugar ang paggamit ng paper bag kapalit ng plastik kapag bumibili sa mga pamilihan.

Kasabay nito, isinusulong na rin ng maraming tao at mga organisasyon ang paggamit ng mga straw at utensils na gawa sa kahoy.

Imahe mula kay Jan Darren Guiwan of Kapampangan Traveller blog via Facebook

Nauso na rin ang paggamit ng mga dahon upang ipangbalot sa mga ibinebenta sa pamilihan imbes na mga plastic bag; lalo na’t napakalakas ng paggamit sa mga ito na hindi naman nakatutulong sa problema kaugnay sa waste disposal.

Ngunit ngayon, hindi lang pala pambalot ang maaaring maging gamit ng mga dahon.

Sa isang post ng GMA News mula kay Jan Darren Guiwan ng Kapampangan Traveller blog sa Facebook, ipinakita nila ang mga larawan ng mga nagtitinda sa Bongao sa Tawi-Tawi.

Makikita sa larawan ang mga nagtitinda at ang mga basket na gawa sa coconut leaves na kanilang ginagamit upang kargahin ang mga lako nilang gulay at prutas.

Itinuturing na isang matibay na produkto ang dahon ng buko dahil ginagamit din itong bubong sa paggawa ng mga kubo o bilang lilim.

Imahe mula kay Jan Darren Guiwan of Kapampangan Traveller blog via Facebook

Maraming mga netizens ang humanga sa pagiging madiskarte at mapamaraan ng mga nagtitinda sa Tawi-tawi dahil isang paraan din ito upang mabawasan ang mga plastik.

Mga environmentalist na kababayan, mabuhay po kayo… Malaking tulong po sa atin ang inyong pagiging malikhain at malasakit sa environment.”

Wow ang husay naman bagong uso naman yan.”

Ayos bumabalik ‘yung a… Nung ganyan maski bibili ka ng isda ibabalot nila sa dahon.” Napakarami pala talagang benepisyo sa puno ng buko.

Sources: Facebook, Facebook, GMA News


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: