Mga madumi, sira, at lumang pera, maaari pa bang ibalik sa bangko?

  • Dahil sa mga hindi minsan naiiwasang pangyayari, nasisira, nadudumihan o minsan ay napaglulumaan  ang mga pera
  • Ngunit dahil sa Clean Note Policy na ipinatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas, maaaring ipagpalit ang mga ganitong pera
  • Ang mga pera o baryang “unfit for circulation” o hindi na kayang ipangbayad pa ay may halaga pa rin at maaari pang ipapalit sa bangko
Imahe mula Shutterstock

Para sa marami sa atin, doble ingat tayo pagdating sa pera. Mahalaga na gumastos lang sa mga bagay na kailangan at hindi dahil sa gusto lang. At mahalaga rin na ingatan ang mga hawak na pera dahil maaari itong mawala o makuha ng iba.

Ngunit kahit na doble o triple pa ang ang pag-iingat, mayroon pa ring mga hindi inaasahang pagkakataon na nasisira at nadudumihan ang mga hawak nating pera.

May mga pagkakataon din na napaglulumaan ang mga ito lalo ngayon na mayroon nang mga bagong labas na bersyon ng pera. Samantala, may mga pangyayari din na na-damage ng ap0y ang mga perang nakatago sa isang bahay na nasun0g.

Kaya naman palaisipan sa maraming Pinoy kung maaari pa bang mapalitan ang mga bahagyang nasun0g, nasira, nadumihan, o napaglumaang mga pera sa bangko. At isa lamang ang sagot dito: OO!

Imahe mula Shutterstock

Ang mga perang hindi sinasadyang napunit, nalabahan kaya nasira, nasun0g, o kahit nadumihan ay huwag agad-agad na itatapon dahil maaari pa rin itong ipapalit ng bagong pera sa bangko.

Dahil sa ipinatupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na Clean Note Policy tungkol sa mga perang “unfit for circulation,” puwede pa ring mapalitan ang mga ito.

Kahit na sira o luma ay mayroon pa ring halaga ang pera. Ang mga perang “unfit for circulation” ay katulad ng mga baryang nasunog, at mga perang papel na wala na ang “horizontal position,” kumupas, lumubog sa tubig, nakain ng anay, sira-sira, at iyong mga nadumihan.

Kailangan lang siguraduhin na 60% ng surface area ng pera ay nakikita pa, nababasa pa ang pirma, at malinaw pa ang security thread. Ang mga perang “unfit for circulation” ay maaring dalhin sa BSP upang mapapalitan ang mga ito.

Ayon naman sa Presidential Decree 247, ang tahasang pagsira sa pera ay may kaparusahang multa na hindi hihigit sa P20,000 o pagkabilanggo ng limang taon.

Pinagbabawalan din ang paggamit ng stapler sa mga perang papel dahil isa rin ito sa mga nagiging dahilan kaya nasisira ang mga ito.

Sources: GMA Network,


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: