Memory lane: Mga gunitang dala, mga taong ipinaaalala ng old school telephone

  • Noong hindi pa uso ang cellphone at computer, ang paggamit ng telepono ang pinakamabilis at pinakapaboritong paraan ng pakikipagkomunikasyon
  • Sa isang Facebook group, may nag-upload ng larawan ng old school na telepono
  • Maraming ibinalik na gunita at mga taong ipinaalala ang lumang device

Isa ka ba sa mga nakikipagtelebabad noon sa telepono? Nagkaroon ka ba ng mga ka-phone pal? Natatandaan mo pa ba ang pinakamagandang balitang narinig mo sa kabilang linya? E ang mga pinakamalalaking sikretong inamin sa iyo ng kausap mo rito?

Image capture via Facebook

Sa Facebook group na Classic Pare® Titos and Titas of Manila, ibinahagi ng isa sa mga usersang litrato ng old school na telepono; na halos sa mga lumang pelikula — o sa mga palabas na sinauna ang setting — na lamang natin napanonood na ginagamit ng isang tao.

“Natawagan n’yo na ba ang mga mahal ninyo sa buhay gamit ang teleponong ito,” tanong ng nag-post ng larawan na si Almira Francisco.

Dito, nagsimulang magbalik-tanaw ang iba pang mga miyembro ng nasabing Facebook group.

“Opo. ‘Yong may ka-phone pal ka tapos kapag matagal na kayong magkatawagan tapos biglang makikipag-eyeball,” wika ng Facebook user na si Sheilamarie Geronimo Roxas.

“Yes naman. Gan’yan ang phone namin noon. We needed it kasi madalas nasa abroad ang tatay namim,” pagbabalik sa nakaraan ni Florie Cervania.

“Inaabot pa noon ng isang oras ang pag-aantay sa dial tone! Tapos busy ang number! Aruy! Etong telepono na ito rin ang laging dahilan bakit ako napapagalitan ng mga magulang ko. Sa kaka telebabad! Hahaha!” kuwento ni Bopbop Orani .

Image capture from Facebooak

Ikaw, nakagamit ka rin ba ng old school na telepono noong araw? Ano ang pinaka-hindi mo malilimutan sa paggamit ng device na ito? Isa ka ba sa mga naghahangad na magkaroon muli nito at magamit paminsan-minsan? Ibahagi ang kuwento mo sa comments section ng post na ito!

Source: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: