Mayor Isko nakatanggap ng “Batang Maynila” customized shoes sa kanyang kaarawan

  • Nagdiriwang ng kaarawan ngayong Oktubre si Mayor Isko Moreno
  • Nakatanggap ang alkalde ng mga customized shoes na may temang “Batang Maynila”
  • Ang mga ito ay personal na ipinagawa ng Vans Shoes sa Filipino artist na si Nikko Pelaez

Si Mayor Isko Moreno ay nagdiwang ng kanyang ika-45 taong kaarawan noong Oktubre 24.

Imahe mula sa Facebook post | Isko Morales Domagoso

Sa araw na iyon ay hindi nagpahinga ang alkalde; bagkus ay patuloy na nagtrabaho. Ayon dito, ang birthday wish niya lamang ay isang araw na walang krimen at paglabag sa batas sa Kamaynilaan.

Bukod dito, laman din ng balita sa mga nagdaang araw ang kanyang hiling na sana ay mapanatili ang kalinisan sa Maynila.

Subalit bukod sa mga hiling ni Yorme Isko na nakatuon sa kapakanan ng kanyang nasasakupan, ang sikat na alkalde ay nakatanggap ng mga regalong sapatos mula sa Vans Philippines.

Ang mga sapatos ay tinawag na “Batang Maynila” custom shoes series.

Kinomisyon ng Vans ang local artist na si Nikko Pelaez upang likhain ang mga ito.

Ang mga handpainted na disenyo ay nagpapakita ng larawan ng alkalde, logo at kulay ng Maynila, at ang mga katagang “Batang Maynila” na isa sa mga gamit na campaign slogan ni Mayor Isko noong nakaraang eleksyon.

Imahe mula sa Instagram post | Nikko Pelaez

Ayon sa Instagram post ni Nikko Pelaez, ang mga ito ay sadyang ginawa para kay Mayor Isko at hindi ipinagbibili. Ito ay kasunod ng mga komentong nagpahayag ng pagnanais na makabili ng mga customized shoes.

Marami ang humanga sa ganda ng mga sapatos na ipinost ni Mayor Isko sa kanyang mga social media accounts.

“Yorme, sa akin na lang po yung blue or yung red.”

Happy birthday, Yorme! And keep up the good work!”

“Is it available in the market already? Balikbayans are asking po Mayor. Great thanks!”

Imahe mula sa Instagram post | Nikko Pelaez

Sources:  Instagram Twitter Instagram Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: