Mayor Isko Moreno nagpakita ng matinding dance moves sa isang event sa Maynila

  • Trending sa social media ang video ni Mayor Isko Moreno sa isang event sa Ospital ng Maynila
  • Sa video ay sumasayaw si Yorme sa kantang “Dying Inside To Hold You”
  • Umani ito ng positibo at mga kilig na komento mula sa mga netizens

Bago pumasok sa politika, una munang nakilala si Francisco Moreno Domagoso o Isko Moreno sa mundo ng show business.

Screenshot mula sa YouTube video ng Life in the Island

Ang alkalde ng Maynila na mas kilala ngayon sa tawag na Yorme Isko ay naging parte ng That’s Entertainment. Ito ang sikat na variety show na pinangungunahan ni Kuya Germs noong 1980s.

Bukod sa pagsayaw at pagkanta, bumida rin si Mayor Isko sa mga pelikula gaya ng Muntik na Kitang Minahal. Katambal niya rito si Claudine Barretto na ipinalabas noong 1994.

Bilang mayor ng Maynila, naging laman si Mayor Isko ng kaliwa’t-kanang headlines dahil sa mga makabago at agresibong proyekto at alituntunin na ipinatutupad ngayon sa siyudad.

Samantala, kamakailan lamang ay nag-trending muli ang mayor; hindi dahil sa mga bago nitong patakaran kundi dahil sa isang video na in-upload sa Facebook ng netizen na si Itchie Cabayan.

Imahe mula sa Facebook video | Itchie Cabayan

Ang pagdalo ni Mayor Isko sa isang pagtitipon sa Ospital ng Maynila Medical Center o OMMC ay nauwi sa kanyang pagsasayaw sa kantang Dying Inside To Hold You. Makikita sa video na sinabayan niyang sumayaw ang isang grupo na tila nagpe-perform ng intermission number.

Ang dalawang video na in-upload ay pareho nang umani ng mahigit one million views, libo-libong komento at reaction emojis sa social media.

Inulan ang performance ni Mayor Isko ng mga positibong reaksyon mula sa kanyang mga fans at mga komentong naghahayag ng pagkakilig dahil sa makisig nitong pagsasayaw at game na pakikiisa sa programa.

“Grabe si Yorme, matinee idol pa rin talaga.”

iclick ang imahe para mapanood ang Facebook video | Itchie Cabayan

“Love you, Yorme! Idol! Lilipat na po ako ng Maynila!”

“Wow galing ng mayor namin! Mabuhay po kayo. Take care always. God Bless!”

“I love him kahit pa sabihing showbiz. Eh dun nga galing ang tao, di po ba?”

Sources: Facebook YouTube YouTube


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: