Matapat na fastfood restaurant guard, pinasalamatan sa pagsasauli ng DSLR camera

  • Pinasalamatan at pinuri ng maraming netizens ang guwardiya ng fastfood restaurant
  • Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, nagpasalamat ang isang miyembro sa guwardya matapos nitong isauli ang naiwan niyang DSLR camera
  • Ayon sa ilang nagkumento, mabait talaga ang guwardya at hindi ito ang unang beses na nagbalik siya ng nawawalang bagay

Mahalagang papel ang ginagampanan ng mga security guards sa kanya-kanya nilang binabantayang establisyemento kaya naman dapat tiyakin na may integridad at pagmamahal sa tungkulin ang mga ito.

Image capture from Facebook

At napakasarap isipin kung ang nagbabantay sa trabahong pinapasukan mo o sa restawran na kinakainan mo ay kilala sa pagiging mabuti at marangal. Sa Facebook group na MARIKINA NEWS, pinasalamatan ng miyembro na si John Joshua ang secu‎rity guard ng isang fastfood restaurant matapos nitong isauli ang kanyang DSLR camera.

“Gusto ko lang po i-flex at magpasalamat…dahil naibalik po sa akin nang maayos ‘yong DSLR namin. Sobrang kinabahan po talaga ako dahil akala ko ay ‘di na maibabalik dahil ilang oras na rin naiwan at s’yempre papagalitan din po ako nina Mama at Papa,” saad niya sa caption ng kanyang litrato.

“Sobrang thankful po ako na nakuha ko po ulit. Thank you very much po kina S.G. Rafael (‘yong nasa picture po), S.G. Alimona, MNG. Walter Casim, at kay MNG. Shiena Andal. Maraming-maraming salamat po sa inyo. Pagpalain po kayo. Thank you,” dagdag pa niya.

Hinangaan ng maraming social media user ang guwardya na noon pa man pala ay kilala na sa kabutihan nito. Hindi rin daw ito ang unang beses na nagbalik ito ng nawawalang gamit.

Image capture from Facebook

“Magaling at napakabait po ng guard na ‘yan,” wika ni KM Kenn Mislang.

“Good job, Sir. Kaya po pala hindi ko na kayo nakikita sa SC McDonald’s every morning nalipat na pala kayo sa Nangka,” ani Maui Ilingan Pascual.

Sources: Facebook


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: